Respeto rin! Lolit Solis slams Senator Kiko Pangilinan’s daughter: “Dapat lang irespeto mo iyon sinasabi ng mas matanda sa iyo”

Kamakailan lang ay naging laman ng social media ang tungkol sa sagutan ng dalawang kilalang personalidad na ang batikang mamamahayag na si Ben Tulfo at anak ng senador na si Frankie Pangilinan.

Nag ugat ang kanilang sagutan matapos silang mag debate tungkol sa isang sensitibong isyu.

“Hija, iba mag-isip ang mga manyakis at mga rpists. Hindi natin sila matuturuan at mababago ang kanilang pagnanasa at pagiging kriminal,” saad pa ng batikang journalist na si Ben Tulfo matapos maglabas ng komento si Frankie Pangilinan sa kanyang social media account tungkol sa kaso ng rpe.

“Ang tanging magagawa ay manamit ng tama. Huwag nating pukawin ang pagnanasa nila. Ito ang iyong magagawa,” dagdag pa ni Tulfo.

Kaya naman hindi mapigilan ni Lolit Solis na kilala bilang isang entertainment news writer at talent manager na bigyan ng advice si Frankie Pangilinan.

Sa Instagram post ni Lolit Solis, sinabi nito na humahanga siya sa mga kabataan ngayon dahil malawak na ang kanilang pagiisip at nakikisali na rin sila sa diskusyon tungkol sa nangyayari sa bansa.

Ngunit sinabi nito na dapat parin umano respetuhin ni Frankie ang mga sinasabi ng mga nakakatanda sa kaniya.

“Nasasabi nila ang nasa loob nila , open sila sa discussion, pero sana alam din nila ang mga parameters, mga bagay na dapat muna nila aralin mabuti bago makipag-sagutan. Puwede hindi kayo pareho ng idea , puwede hindi mo gawin , pero dapat lang irespeto mo iyon sinasabi ng mas matanda sa iyo,” saad pa ni Solit sa kanyang Instagram post.

“Hindi din maganda na masyado kang open sa diskusyon , kasi nga sabi nila , hindi parin puwede tawaran ang wisdom ng mas matanda sa iyo. Ok lang , at least i voice out mo iyon panig mo , pero maintain mo iyon respect mo sa mas matanda sa iyo,” dagdag pa nito.

“Bongga mga kabataan ngayon , mas expressive sila. I think mas maganda, iyon nga lang maintain nila iyon respect for the elders,” giit pa nito.

Marami sa mga followers ni SOlis ang tila hindi sang-ayon sa kanyang naging pahayag, ayon pa sa mga netizen may iilang mga matatanda umano na hindi deserve ang respeto.

“Hindi lahat ng elders tama ang opinion…katulad ng opinion ni ben tulfo Walng msama ecorrect ang baluktot na pananaw. Ang r*pist wlang pinipiling kasuotan yan kahit mga murang edad pinapatos at walang awang ginagahasa. Now tell me dpat bang erespesto ganon klaseng tao kramihan gumagawa nyan matatanda na,” saad pa ng isang netizen.

“Just because she voices her opinions di meaning na walang respeto sa matatanda. Pinaandar mo nanaman yung against mo kay Sharon. Bakit di mo na pansin yung good qualities niua. She is a very loving sister kahit na sa adipted brother niya.. Kahit sa mga kasambahay… She can voice her opinion. Di naman bastos o walang respect mga points niya.. Valid naman.. Ikaw kadi Lolit pag ayaw mo sa ibang artista, palaging pasimple ang atake mo. Paano naman kadi 72 ka na, may favoritism ka pa. AMONIN,” sey pa ng isang netizen.