Retired Journalist Jay Sonza bumanat kay Lea Salonga: “Winalangya mo ang 110 million Pilipino”

Kamakailan lang ay naging laman ng social media ang tungkol sa naging pahayag ni Lea Salonga tungkol sa bansang Pilipinas.

Umani ng iba’t ibang reaction mula sa netizen ang naging social media post na ito ni Lea na kung saan sinabi nito na mahirap umano mahalin ang bansang Pilipinas.

Kaya naman hindi napigilan ng batikang mamamahayag na si Jay Sonza na rumesbak ang batikusin ang mangangawit.

Ayon pa sa facebook post ni Jay Sonza, nakakadismaya umano ang ginawang pahayag ni Lea dahil parang minura na rin umano nito ang mga Pilipino.

“Lea Salonga, winalangya mo ang 110 million Pilipino ng minura ang aming Inang Bayan.” saad pa ni Sonza sa kanyang facebook post.

Para kay Sonza, nasasabi lamang umano nito ni Lea dahil naipasara ang kanyang home tv network.

“Nagmamarakulyo ka dahil isinara ang iyong home TV network dahil sa patong-patong na paglabag sa batas.”

“nagwawala ka dahil isinabatas ang anti-terr0rism law upang sugpuin ang mga nanliligalig sa Inang Lahi.” dagdag pa nito.

Basahin ang kanyang facebook post sa ibaba:

Lea Salonga, winalangya mo ang 110 million Pilipino ng minura ang aming Inang Bayan.

Nagmamarakulyo ka dahil isinara ang iyong home TV network dahil sa patong-patong na paglabag sa batas.

nagwawala ka dahil isinabatas ang anti-terr0rism law upang sugpuin ang mga nanliligalig sa Inang Lahi.

Hinintay kong magkusa kang humingi ng paumanhin at patawad. Hindi mo ginawa.

Nagagalit ka dahil hinatulan ang isang kriminal na lapastangan sa panulat at mamamatay ng dangal.

At gaya ng nakasaad sa Lupang Hinirang – “sa manlulupig di ka pasisiil…ang mamatay ng dahil sa iyo.” sa oras na magkrus ang ating landas, ipadadama ko sa iyo ang init at rubdub ng pagmamahal sa Pilipinas kong mahal ng isang tunay na Pilipino.

Bumubukal ang dugo ko sa mga HUWAD.