Robin Padilla reacts on ABS-CBN’s franchise renewal: “Lahat ay mananagot kapag ­lumabag sa batas”

Usap-usapan ngayon sa social media ang usapin tungkol sa pag-renew ng prangkisa ng ABS-CBN na kung saan nakatakda ito magsara kung hindi marerenew ang kanilang prangkisa.

Maraming kilalang personalidad na rin ang nagpahayag ng kanilang suporta sa naturang istasyon.

Ngunit marami rin netizen ang tila natutuwa sa posibleng pagsasara ng ABS-CBN dahil umano sa pagka-bias nila na pagbabalita lalo na sa administrasyon Duterte.

Naging viral sa social media ang naging instagram post ng kilalang personalidad at taga suporta ni Pangulong Duterte na si Robin Padilla.

Sa kanyang instagram post, ibinahagi ng aktor ang imahe ng hustisya na may nakasulat na “No man is above the law and no man is below it.”

Ayon sa kanya, ang lahat ng tao mahirap man o mayaman ay dapat pantay-pantay sa harap ng batas.

“Mayaman o ­mahirap may kapangyarihan o wala sikat man o hindi ang lahat dapat ay pantay-pantay sa harap ng batas dahil ang hustisya ay walang tinitingnan o tinititigan ang mali ay mali at ang tama ay tama walang maybe o exempted ang lahat ay mananagot kapag ­lumabag sa batas.”

“Panay na nga ang labag natin sa batas ng Diyos napakapambihira naman kung pati batas ng tao ay lalabag pa rin tayo. Anong klase na tayong tao at lahi…” saad pa ng aktor.

Matatandaang naging hurado si Robin Padilla sa isang talent show ng ABS-CBN na “Pinoy Got Talent”.