Saklolo naman po dyan yorme! Vice Ganda humingi ng tulong kay Mayor Isko Moreno

Kamakailan lang ay naging viral sa social media ang tungkol sa pagkaka-aresto sa mga nagproprotesta na kinabibilangan ng grupong PRIDE.

Maraming mga kilalang personalidad ang nagpahayag na ng kanilang suporta sa mga na-aresto, isa na sa nakondena sa ginawang pag-aresto ng kapulisan sa mga miyembro ng PRIDE ay si Miss Universe Catriona Gray.

Dinepensahan ni Miss Universe Catriona Gray ang mga nagprotesta lalo na sa mga inarestong rallyista na kung saan sinabi nito na parang sinisikil na umano ang karapatan ng mga tao.

“Is this the new normal? Earlier today a peaceful #pride rally held in Manila where mask wearing participants practicing social distancing were met by police in riot gear and arrested. If proper health guidelines were being followed, why the use of force? Why the withholding of rights? Videos circulating online confirm this,”

“We have the right to raise our voice. Pride, since the beginning has been a protest. Now is the time to speak up,” dagdag pa nito.

Nagbigay narin ng komento ang Kapamilya comedian na si Vice Ganda na kung saan humingi ito ng tulong kay Manila Mayor Isko Moreno.

Nanawagan si jose Mari Viceral o mas kilala sa tawag na Vice Ganda kay Mayor Isko na kung maaari ay tulungang makalaya ang mga naaresto.

“Anu tooooooooo????? Pakiexplain po? Saklolo naman po dyan Yorme!!!! Sa aking pagkakaalam LGBTQIA+ friendly ang Maynila at si Yorme. Beke nemeenn!!!” saad pa ni Vice Ganda.

“Saklolo Yorme @IskoMoreno !!!” dagdag pa nito.