Sen. Binay dinepensahan ang OFW na bumabatikos kay Pangulong Duterte: “Huwag kayong maging makapili!”

Kamakailan lang ay naging viral sa social media ang tungkol sa isang Overseas Filipino Worker (OFW) na ngayon nahaharap sa possibleng deportation dahil sa pambabatikos kay Pangulong Duterte.

Sa naging pahayag ni Senator Nancy Binay, pinaalalahan nito ang labor attaches na Philippine Overseas Labor Office (POLO) sa Taiwan na depensahan ang OFW.

Sa kanyang twitter account, ibinahagi ni Binay ang article ng CNN na kung saan ni request ng DOLE sa Taiwan na i deport ang Filipina caregiver na si Elanel Egot Ordidor dahil sa ginawang cyb3r lib3l laban kay Pangulong Duterte.

“Paalala lang po sa mga labor attaches na kayo ang kanlungan at sandigan ng ating mga OFW. Wag maging Bagong Makapili sa harap ng mga bagong bayani,” saad ni Sen. Binay sa kanyang twitter page.

Ang panawagan na ito ng senadora ay umani ng suporta mula sa kanyang taga suporta at sinabing nagbibigay lamang umano si Ordidor ng kanyang opinion tungkol sa nangyayari sa bansa.

“My disgust, especially to DOLE who would take time to persecute our OFWs who simply found her voice to speak out, against what she see is wrong with the governance. Your advice or paalala sums it all. Nakakahiya ang DOLE.” saad ng isang netizen.

“DAPAT KASI KAY DUTERTE MAG ISIP NA SYA KUNG BAKIT DUMARAMI NA ANG NAGAGALIT SA KANYA. HUWAG NILANG ISISI SA MGA TAONG PUMUPUNA SA MALI NILA. BAGKUS MAGING SANGKAP ITO PARA MAPA BUTI ANG TRABAHO NILA. MAG SIMULA MUNA SYA SA PAG MAMAHAL SA BAYAN AT SA PILIPINO,” saad pa ng isang netizen na taga suporta ng senadora.

Kahapon lamang ay inanunsyo ng DOLE na kinontak na nila ang employer ni Ordidor tungkol sa naging pahayag nito kay Pangulong Duterte.

Dismayado rin umano ang employer ni Ordidor dahil sa kanyang naging pahayag sa Pangulo at nangako silang makikipagtulungan sila sa DOLE.

“Ordidor was cooperative and cordial at first and committed to delete all her uploaded videos against the President and promised not to do it again. She also promised to upload a video of her public apology to the President and to the people in the government at 9 pm of the same day,” pahayag ng DOLE.

Gustong Sampalin si Pangulong Duterte, Ofw sa taiwan na si Linn Silawan.

Posted by Cathyenza Sari-Saring Kwento on Tuesday, April 21, 2020

OFW sa TAIWAN muling Bumanat Wag Daw Tayo Maging Loyal sa Pangulo

OFW sa TAIWAN muling Bumanat || Wag Daw Tayo Maging Loyal sa PanguloCREDIT TO THE OWNER

Posted by Duterte Domagoso Tulfo Supporters on Friday, April 17, 2020