Sen. Binay supalpal ang inabot sa netizen dahil sa kanyang sinabi kay Sec. Tugade

Kamakailan lang ay naging viral sa social media ang tungkol sa naging pahayag ng isang senadora na si Nancy Binay matapos niya patamaan si Sec. Tugade sa kanyang naging pahayag.

Sa naging pahayag ni Binay, binanatan nito ang kalagayan ngayon ng transportasyon sa bansa na kung saan maraming Pilipino ang nahihirapan sumakay dahil sa kawalan ng masakyan.

“Tingnan natin kung papano siya (Secretary Tugade) makakapasok sa Clark na hindi gamit ang kanyang sasakyan dahil sa kulang at halos walang public transportation na pwedeng gamitin ngayon…”

“Nakita natin kahapon anong nangyari, yung mga kababayan natin nagsisiksikan sa mga prinovide nila na transportation. Mga flatbed na truck yung pinalabas kahapon, nakita natin walang social distancing na nangyari…”

“Dapat maramdaman nila (transportation officials) ang hirap na pinagdadaanan ng mga commuter (They should feel the struggle of all commuters). They won’t be able to plan well if they don’t feel and understand the people’s daily struggle,” saad pa ng senadora.

Ngunit hindi nakakuha ng suporta ang senadora mula sa netizen at agad siya binatikos ng mga nakakilala kay Sec. Tugade.

Ayon pa sa mga taga suporta ni Tugade, matagal na umano nag cocommute si Sec. Tugade at hindi niya lang ito pinapakita sa media dahil ginagawa niya ito ng sekreto.

“Hindi yata updated si Senator. Matagal na pong nagko commute si Lolo Art. Siya mismo nagdo-double check ng mga rides. Inaadjust naman nya ang policy kapag di nag work. Hands on po siya. Kitang kita ang kaputian.” sabi pa ni Luminous by Trixie Cruz-Angeles na facebook page.

“Dear Nancy Binay, bago ka mag hamon, siguraduhin mo muna na kaya mong panindigan ang yabang mo. Matagal ng nagco-commute si Sec. Tugade – baka hindi mo lang alam kasi walang bitbit na media ung tao. Di tulad ninyong mga pa epal na pulitiko na kulang na lang pati pag-tae ninyo may kasabay na press release. Ikaw, matanong kita, Kelan ka ba huling nag jeep, taxi, bus, o LRT? Kelan ka nagpainit sa edsa? Kasi kung makapagsalita ka parang alam na alam mo ung hirap ah. Hoy Binay, hindi kami tanga para maniwala sa gimik mo na dahil maitim ang balat mo, eh ibig sabihin ay maka-masa ka na at bilad ka na din sa araw.” saad pa ng isa rin facebook page na Mindavote.

“Si Sec. Tugade, noon pa nagko-commute. ‘Yung nanghamon, kelan nag-commute? Walk your talk, huwag puro dakdak Madam…” sabi pa ni Mark Lopez na kilalang taga suporta ni Pangulong Duterte.