Sen. Lacson rumesbak sa mga kritiko ng anti-terr0r bill: Sana hindi dumating ang araw na kayo ang mabiktima ng terorista

Kamakailan lang ay naging viral sa social media ang tungkol sa bagong ipinukalang batas na ang anti-terr0rism bill.

Dahil dito, maraming mga kilalang personalidad ang nagpahayag ng kanilang saloobin laban sa naturang batas.

Kasama na jan ang mga kilalang artista at pani na rin ang mga naging Miss Universe ng Pilipinas.

Kaya naman hindi mapigilan ng ilang mambabatas na depensahan ang naturang batas sa mga kritiko na nagpapakalat umano ng maling impormasyon tungkol sa batas.

Isa na nga jan si Senator Panfilo ‘Ping’ Lacson na kung saan dinepensahan nito ang anti-terr0rism bill laban sa mga kritiko na naglalabas ng maling impormasyon.

Sinabi nito na sana lamang ay hindi mabiktima ang mga kritiko ng naturang batas ng mga teroristang grupo sa bansa.

“To the critics, I dare say: I hope the day will not come when you or any of your loved ones will be at the receiving end of a terr0rist attack, so much so that it will be too late for you to regret convincing the Filipino people to junk this landmark legislation,” saad ni Senator Lacson.

Ayon pa sa senador, ang batas umano na ito ay naglalayong mas protektahan ang mga pilipino laban sa mga masasamang terorista at hindi para sirain ang mga kritiko ng pamahalaan.

Nilinaw rin ni Lacson na ang naging ilang mga provisions sa anti-terr0rism bill ay kinuha nila sa ibang democratic na bansa tulad ng United States at Australia.

Sinabi rin nito na ang Pilipinas ang meron mababang reglementary period of detention hindi tulad ng ibang bansa.

“Thailand with up to 30 days; Malaysia, up to two years; Singapore at 720 days extendible to an indefinite period of detention without formal charges; and Indonesia, up to 120 additional days,”

“Safeguards have been put in place to ensure the rights of those detained,” dagdag pa nito.