Sen. Revilla: Bigyan ng 20% discount ang mga solo parent

Ayon kay Senador Ramon Bong Revilla Jr. bukod sa dagdag-benepisyo at pribilehiyo dapat din umanong bigyan ng diskuwento ang mga solo parent para sa mga bilihin na may kaugnayan sa pagpapalaki ng isang anak at iba pang kailangan ng mga solong magulang.

Ayon din sa Senador mayroong 15 milyong solo parent sa bansa at 95 porsinyento dito ay mga babae, Sa batas na Senate Bill 951 o An Act Amending Republic Act. No. 8972 layunin nito na bigyang ng 20 porsiyentong diskuwento sa pagbili ng gatas, pagkain at food supplments at vitamins at iba pang kakailanganin ng mga magulang sa pagpapalaki ng kanilang anak.

“Hanggang sa pagpapagamot maging pribado man o pampublikong ospital ay iiral ang 20 porsiyentong diskuwento,” Ayon kay Senador Revilla.

“Epektibo rin ito sa pagbabayad ng tuition mula kindergarten hanggang makapagtapos ng kolehiyo na ang tanging kailangan lamang ay magkasamang namumuhay ang solo parent at ang anak o mga anak nito” dagdag pa nito.

Nakapaloob rin sa panukala na dapat magkaroon ng non-comulative “parental leave” na halos 7 working days na may bayad yearly, kung ang solo parents ay nakapagserbisyo na ng isat kalahating taon sa kompanya.

Iginiit ni Senador Revilla na ang batas na ito ay makakatulong ng malaki sa adbokasiya ng Department of Social Welfare and Development na maamyendahan ang umiiral na batas na sumusuporta sa solo parenthood.

source

Recommended For You

About the Author: root