Sen. Sotto sinupalpal ang mga may ayaw sa Anti-Terror Bill: “Terorista lang at supporters nila ang dapat matakot”

Kamakailan lang ay naging usap-usapan sa social media ang tungkol sa pagpapasa ng isang batas na tinatawag na anti-terr0r bill.

Maraming mga netizen ang natuwa sa panukalang batas na ito dahil may tyansa na umano na mahinto o maubos ang mga terorista sa bansa na nagpapagulo lamang.

Ngunit may iilang mga netizen at kilalang personalidad rin ang nagbigay ng kanilang mga saloobin tungkol dito sa ipinukalang batas.

Isa na nga jan sina Senator Risa Hontiveros at Sen. Kiko Pangilinan na kung saan sinabi nito na hindi dapat inuuna ang batas na ito at dapat umanong unahin ang kinakailangan ng mga tao para labanan ang COVID19.

“Terr0rized na ang mga kababayan natin dahil sa COVID-19, ang nakakamatay at nakakahawang sakit. Mas na-te-terr0rize pa dahil sa kawalan ng trabaho at hanapbuhay na dulot ng iba’t ibang klase ng lockdown na pinataw sa ating mamamayan at ekonomiya… Pagtuunan ng pansin ang mga walang masakyang public transport ngayong GCQ, ang mass testing at contact tracing, at pagbangon ulit ng ating kabuhayan,” saad ni Sen. Kiko.

“COVID-19 ang kalaban, pero itong Anti-Terr0rism Bill ang isinalang…Valid at dapat pakinggan ang concerns ng publiko tungkol sa (anti-terr0r) bill. Ang hiling nila ay maayos na programa para sa kanilang kaligtasan laban sa kinakaharap nating pandemic. Hindi ba dapat nandoon ang prayoridad natin?… Alam natin na kapag hindi benevolent, kung ‘di despotic yung implementors, may mga human rights vi0lations na maaring mangyari,” dagdag pa nito.

Kaya naman agad na dinepensahan ni Senate President Vicente ‘Tito’ Sotto III ang panukalang batas na ito at sinabing supporters lang at mga ter0rista umano ang dapat matakot sa batas na ito.

“It’s as good as passed. It will just need my signature if it comes back to us after ratification then I will transmit to the President… I suggest they read the bill first before reacting. Terr0rists or their supporters are the only ones who will be afraid of the bill” saad pa ni Senator Tito Sotto.

Dinepensahan rin ni Senador Ping Lacson ang panukalang batas na ito.

“The concerns being raised by the progressive and leftist groups as well as human rights advocates have been adequately addressed during the Committee on National Defense and Security public hearings, as well as the debates and interpellations in plenary,” paliwanag pa ni Senador Lacson.