Senate Pres. Sotto reminds Sen. Angara: “Hindi lang ABS ang source ng balita”

Kamakailan lang ay naging viral sa social media ang tungkol sa pagsasara ng isa sa pinakamalaking TV network sa bansa na ang ABS-CBN.

Ito’y kasunod sa pagbibigay ng cease-and-desist order ng National Telecommunications Commission (NTC) na nagpapatigil sa kanilang upang umere.

Marami ang nagpahayag ng suporta sa naturang estasyon at kasama na rin ang mga iba’t ibang kilalang celebrity sa bansa na nagpahayag ng kanilang pagkadismaya sa nangyaring ito.

May iilang mga senador sa bansa rin ang nag pahayag na ng kanilang pagkadismaya sa nangyari sa estasyon at nagpahayag ng kanilang suporta sa naturang estasyon.

Kaya naman hindi napigilan ni Senate President Vicente Sotto III na papaalalahan ang kapwa senador na si Sonny Angara ng respetuhin rin ang ibang estasyon tulad ng GMA at TV5.

Sa naging Senate Session nitong May 5, binatikos ni Sen. Angara ang National Telecommunications Commission (NTC) dahil sa pagbibigay ng cease-and-desist order sa naturang estasyon.

Ayon kay Angara, ang ginawang hakbang ng NTC ay labag umano sa Resolution 40 na inihain sa Senado na nagbibigay ng ‘provisional authority’ sa ABS-CBN na makapag operate hanggang May 4 to June 30 2022.

“I just got the news that NTC issued a cease and desist order against ABS-CBN in contravention of the resolution passed by both houses of Congress, last March 11, that was our last big session before we vote for the recess, I think that was the day when the majority leader (Miguel Zubiri) infected me with the virus,” saad ni Senator Angara.

“I just want to express my reservations regarding this because in the time of the virus people need to be informed by reliable sources, this is the time when we need reliable information and we decide to shut down one of the sources that are practically in the houses of every Filipino,”

“So where is the Filipinos gonna get this news now? From the internet where there’s a lot of fake news? From text where there’s a lot of spam text? Well, it is very disappointing on the part of NTC,” dagdag pa nito.

Dahil sa naging pahayag na ito ng Senador, hindi maalis ang pagkadismaya ni Senate President Sotto dahil tila umano ang ABS-CBN lamang ang nagbibigay ng reliable news sa mga Pilipino.

“We do understand the point of Senator Angara, but perhaps we should give due respect to channel 7 and channel 5, it sounded like it’s (ABS-CBN) the only station that we can get our news from,” ayon pa kay Sen. Sotto.