Sharon Cuneta emosyal matapos ikumpara ng netizen si KC at Frankie: “Natural hindi naman gwapo si Kiko as gwapo as Gabby”

Sharon Cuneta emosyal matapos ikumpara ng netizen si KC at Frankie: “Natural hindi naman gwapo si Kiko as gwapo as Gabby”

Kamakailan lang ay naging viral sa social media si Megastar Sharon Cuneta at ang kanyang anak na si Frankie Pangilinan.

Sinagot rin ni Sharon Cuneta ang netizens na kung saan ikinukumpara ang kanyang anak na si Frankie kay KC Concepcion.

Nakakalungkot umano ang mga pagkukumpara ng ilang netizen sa kanyang dalawang anak na kung saan sinasabi nito na mas maganda si KC kaysa kay Frankie.

“Obvious ba, eh matinee idol ang tatay niya… ganoon kasama ang tao,” saad pa ni Cuneta sa kanyang Instagram video.

Humingi rin ng paumanhin si Sharon Cuneta sa kanyang anak na si Frankie na kasalukuyang nasa kwarto habang naka live stream ito.

“I’m so sorry honey, you don’t deserve that, in the end that’s not what matters you know, physical beauty fades,” saad pa ni Sharon.

Mas naging emosyal si megastar ng ikumpara ng mga netizen ang kanyang dalawang anak.

“Please don’t do that to my children, ako nalang pintasan ninyo, natural hindi naman gwapo si Kiko as gwapo as Gabby, but when I married Kiko it didn’t matter kasi lahat ng gwapo nakain-love-an ko sinaktan lang ako,”

“Hindi naman pangit ‘yung asawa ko sa personal, hindi lang pang matinee idol ang itsura,” dagdag pa nito.

Binatikos rin ni megastar ang mga netizen na bumabatikos sa kanila dahil lang sa kanilang mga opinyon tungkol sa pulitika.

“Napakasakit ng pinagdaraanan namin ngayon. Kaya nga ako nag-asawa kasi matinong tao si Kiko, at gusto ko tumahimik na ng paunti-unti ang buhay ko. Lalo lang palang gugulo,” saad pa ni Sharon.

“Mas naaappreciate ko ang Showbiz ngayon…pagmamahal at intriga lang ang haharapin mo; madaling ayusin ang intriga, libre at napakasarap ng minamahal ka ng walang panig panig tulad ng politika,” dagdag pa nito.

Sharon Cuneta, naiyak

Naiyak si Sharon Cuneta sa kanyang IG live kagabi dahil sa pagkukumparang ginagawa ng netizens kina KC Concepcion at Frankie Pangilinan.

Posted by News5 on Monday, June 29, 2020