“Si Inday, Sara, nirespeto niyo ba ako at ang anak ko?” Sharon Cuneta bumanat at pinatamaan ang mga Duterte?

Kamakailan lang ay naging viral sa social media ang tungkol sa naging pahayag ni megastar Sharon Cuneta laban sa isang OFW.

Naging laman at usap-usapan muli ang aktres sa social media dahil sa kanyang tila paglalabas ng galit sa social media na kung saan tila pinatatamaan nito ang mga Duterte.

Sa kanyang deleted post sa Instagram, ibinahagi ni megastar ang mga kinakaharap umano nilang problema dahil sa ginawa sa kanila ng mga Duterte.

Ayon pa sa kanya, hindi umano siya nag komento tungkol sa sinabi ni Pangulong Duterte tungkol sa kanyang asawa na si Senator Francis ‘Kiko’ Pangilinan.

Ibinahagi rin ni Sharon Cuneta ang naging apekto umano ng pagsasabi ni Pangulong Duterte na hiwalay na sila ng kanyang asawa na senador.

Inilabas rin nito ang tungkol sa pag kombensi umano ni Pangulong Duterte sa kanyang kapatid na tumakbo bilang alkalde ng Pasay City.

Nalubog umano sa utang ang kanyang kapatid dahil sa pagtakbo bilang alkalde ng Pasay na kung saan inindorso rin ni Inday Sara ang naging kalaban nito bilang alkalde.

BASAHIN ang kanyang deleted Instagram post sa ibaba:

“Si Inday Sara, NIRESPETO NIYO BA AKO AT ANG ANAK KO? Noon pa binabastos niyo na ang asawa ko. Tapos ang pangulo mismo ang nag sabi na PINAPALAYAS KO ANG ASAWA KO SAMIN AT MAGRERESIGN SIYA KUNDI TOTOO. Ang laking GULAT NAMIN NOON.

“Dahil hindi ko pa siya nakakausap since before HE HIMSELF ASKED & CONVINCED MY BROTHER TO RUN FOR MAYOR OF PASAY. MAY NARINIG BA KAYO SA AKIN? WALA. Nasaktan kami at ang mga anak ko. Nagkabaon-baon sa utang ang kapatid ko kasi wala naman kaming nakuhang tulong. Tuwang-tuwa kami nung inendorse siya ng Pangulo at ni Inday Sara. Tapos nagulat kami pati ang kalaban niya ay inendorso rin. MAY NARINIG BA KAYO SA AMIN KAHIT NASAKTAN KAMI? WALA.”

“Tapos binababoy ng isang DDS na kasama nyo ang anak ko. May dumepensa ba sa amin kahit mahal daw ako ni Tatay? Wala. AKO AT SI KAKIE NA ITO, HINDI NA SI KIKO LANG. NASAKTAN AKO. Kasi TAYO DAPAT ANG MAGKAKAMPI. PERO KAYO ANG SUMIRA AT PATULOY NA SUMISIRA SAMIN. AWANG AWA NA AKO SA ASAWA’T MGA ANAK KO.

“Ilang taon ko din silang halos hinayaang masaktan habang pinagtatanggol ko ng pilit si Tatay sa kanila. Pero SOBRA NA KAYO. AYOKO MAKASAMA ANG MGA TULAD NINYONG WALANG AWA O PUSO. ILANG BESES NA KAMI NASAKTAN. NAPAKASAMA KO NAMANG ASAWA AT INA PAG HINAYAAAN KO PA NA MAGPATULOY YUN NG ANO, NAKA SMILE LANG LAGI? HINDI KO NA KAYA.