“Si Leni? Susko. Wala na talaga ibang choice?” GMA7 headwriter on Isko Moreno and Leni Robredo for President

Kamakailan lang ay naging usap-usapan sa social media ang tungkol sa nalalapit na eleksyon at ang mga posibleng mga kakandidato bilang Pangulo ng bansa.

Matunog rin sa social media si Bise Presidente Leni Robredo na kung saan nagpapahiwatig na tumakbo bilang Pangulo ng bansa sa susunod na eleksyon.

Marami na rin mga kilalang personalidad at mga artista ang nagpapahayag ng kanilang suporta kay Robredo kung sakaling tatakbo ito bilang Pangulo ng bansa sa 2022.

Marami rin mga netizen ang nagpapahiwatig ng suporta kay ngayon alkalde ng Manila na si Isko Moreno dahil sa maganda umano nitong ginagawa sa lungsod ng manila kaya naman posible umano siyang manalo bilang Pangulo kung sakaling tatakbo ito.

Ngunit para kay Suzette Severo Doctolero na kilalang SOAP drama head writer ng GMA7 masyado pa umanong maaga para tumakbo bilang Pangulo si Mayor Isko Moreno.

Sa kanyang facebook post, ikinumpara ni Doctolero sina Moreno at Robredo kung sakaling tatakbo sila bilang Pangulo ng bansa sa susunod na eleksyon.

BASAHIN ang kanyang facebook post sa ibaba:

Sa totoo lang, between Leni and Isko?

Kay Isko na lang ako!

(Note: wala siyang sinabing tatakbo siya pero kinukumpara ko lang).
Mas may experience pa sa serbisyo publiko. Maayos ang pamamalakad sa Manila lalo na nitong panahon ng pandemya. Galing sa hirap na nagpursige kaya alam ang buhay mahirap. Mas may charm at talino kapag nag-i-speechhh! Bonus point: pogi. Chos!

Pero seryoso, maski si Isko ay kulang pa. Pwede siya bilang Senador muna. Pero kung hindi pa sapat ang kaalaman ni Isko, mas lalo yata si Leni? Susko. Wala na talaga ibang choice?

At mas mananalo rin kasi si Isko kaysa sa ale. May madaling ring ibenta yang isa, hindi pilit.