Si tatay digong lang may kaya niyan! Pilipinas pasok sa TOP10 sa mga bansa na magandang mamuhunan sa panahon ng Post-COVID

Kamakailan lang ay binalot ng masamang balita ang buong mundo matapos kumalat ang coronavirus dis3ase 2019 o mas kilala sa tawag na COVID19.

Apat na buwan matapos magsimula ang naturang sakit sa Wuhan China, ay umabot na sa mahigit 3 million ang naitalang kaso sa buong mundo.

Hindi rin maikakaila na dahil sa COVID19 ay maraming naapektuhan na negosyo o maging ang ekonomiya ng maraming bansa.

Kaya naman may iilang negosyante parin ang gustong maghanap ng bansa o lugar na pwedeng pagkakitaan o pwedeng mamuhunan kahit na nasa gitna ng COVID19.

Ayon sa isinagawang pag-aaral ng CEOWORLD, naisama o naitala ang bansang Pilipinas sa ika-pitong bansa na pwedeng mamuhunan habang nasa post-COVID.

Ayon sa pag-aaral, pasok sa ika-pitong pwesto ang Pilipinas na kung saan binansagan itong “Tech Hub of Asia”.

Nasungkit naman ng bansang Singapore ang unang pwesto at nasa pangalawang pwesto naman ang United Kingdom o UK at ikatlo ang bansang Poland.

Nasa pang-apat naman ang bansang Indonesia at sumunod ang India habang nasa pang-anim na pwesto ang Australia.

Mahigit 80 na bansa ang isinailalim sa pag-aaral, ang ilan sa mga kinonsidera ay ang C0rrupti0n freedom, workf0rce, investor protection, infrastructure, taxes, quality of life, red tape at technological readiness sa mga bansa.

Dahil dito marami ang natuwa sa mga taga suporta ng Pangulo sa pag-aaral na ito, dahil isa umano itong patunay na dahil kay Pangulong Rodrigo Duterte ay mas nakikilala na ang bansang Pilipinas.

Source: CEO Magazine