Sino ang diyos mo?! Korina Sanchez tinawag na ‘bruha’ ang netizen dahil sa pagsuporta nito sa pagsasara ng ABS-CBN

Viral sa social media ang naging pahayag ni Korina Sanchez-Roxas tungkol sa isang public officials na tumulak na mapasara ang ABS-CBN.

Sa naging social media post ng batikang mamamahayag, binatikos nito si Solicitor General Jose Calida dahil siya umano ang naging utak at nagpasimuno kaya nagsara ang naturang estasyon.

“SolGen Joe Calida used to be very close to my Mom Celia Sanchez. They attend the same Bibl3 Study. Sino na kaya ngayon ang Diy0s ni Calida? Pilit pinapasarado ang ABSCBN kahit labag sa batas? Kelan at paano kaya pwede ipakulong ang mga totoong abusado?” saad pa ni Korina Sanchez-Roxas.

Ang naging pahayag na ito ni Korina Sanchez ay umani ng iba’t ibang reaction mula sa kanyang mga followers at sa mga netizen.

Ayon pa sa isang followers ni Korina Sanchez, tama lamang umano ang naging desisyon ng National Telecommunications Commission o NTC dahil expire na umano ang prangkisa ng naturang estasyon.

“Anong abuso?? Wala na kayong franchise! That’s it! Sus!!” komento pa ng isang netizen sa social media post ng TV reporter.

Kaya naman hindi nakapagpigil si Korina Sanchez at tinawag niya na isang ‘bruha’ ang kanyang followers at kanya itong pinapaalis.

“@romelaigne Please leave. Bruha ka.” sagot ni Korina sa isang netizen.

Sa isa pang komento ng netizen, dinepensahan nito ang naging desisyon ng NTC at sinabi kay Korina Sanchez na huwag niyang mamaliitin ang batas sa bansa.

“Thats ok itama nlng ang mga mali.Plain and simple never estemated the Philippine Law. FICTAP interview made it clear na hindi ito tungkol sa ‘freedom of the press’, gaya ng nababasa ko sa mga coworkers mo. rather, ABS-CBN’s franchise contr0versy is an issue of ‘unfair competition’ which k1lls small broadcasting and cable operators, and the general public who’s been paying ABS-CBN for their services which violates for their ‘Free-to-air’ license. Ngayon lang sinusubukang itama, at nagkataon lang na mapapaso na ang franchise nila kaya nagkaroon ng ingay.stop blaming the Government!” saad pa ng isang netizen.

“My family here are TFC subcribers for a decade and now we cant watch na din..be open minded nlng kasi may mga hidded agenda e,” dagdag pa nito.

“@thetheamae Oh Puhleeeez itama mo muna ingles mo o kaya magtagalog ka nalang kaya?” sagot ni Korina.