Sisipain ko kayo! Coco Martin to ABS-CBN critics: “Sadyang may mga Demonyo lang talaga na tao”

Naging viral sa social media ang naging pahayag ng leading actor ng ‘Ang Probinsiyano’ na si Coco Martin matapos nitong bantaan ang mga bumabatikos sa ABS-CBN network.

Sa kanyang Instagram post, makikita ang isang batang babae na walang tigil na umiyak matapos niyang malaman na nagsara na ang ABS-CBN dahil sa kanilang expire na prangkisa.

Kaya naman hindi napigilan ni Coco Martin na maglabas ng galit lalo na sa mga nasa likod ng pagsasara ng ABS-CBN o Kapamilya network na kung saan tinawag niya ang mga ito na ‘demony0’.

Nagbanta rin ang aktor na sisipain niya ang mga taong bumabatikos at natutuwa sa pagsara ng kanilang estasyon.

“Tama na wag kana umiyak babalik kami sadyang may mga Demonyo lang talaga na tao ngayon na gusto tanggalan ng kaligayanhan ang mga tao at ng hanap buhay na pinagkukunan ng kanilang kakainin sa araw araw!” ayon pa sa Instagram post ng aktor.

“Pag balik namin pag sasapakin ko lahat ng tuwang tuwa ngayon na sarado na ang ABS CBN!!” dagdag pa nito.

Naniniwala rin ang aktor na ang ilan sa mga bumabatikos sa ABS-CBN ay isa sa mga nanunuod ng ‘Its Showtime’ at nakikisali sa mga pa-contest na isinasagawa ng Kapamilya network.

“Baka pag balik namin sasabihin ng mga Bushers namin miss na miss nyo kami at makikipila kayo sa showtime para manood ng live at sumali sa contest,” saad pa nito.

“Try nyo manood ng Probinsyano sisipain ko muka nyo!!!” dagdag pa nito.

Sinabi rin ng aktor na walang konsensiya ang may pakana sa pagsasara ng naturang network dahil hindi umano nila ikinonsedera ang mga taong mawawalan ng mga trabaho lalo na sa gitna ng krisis.

“Tutal wala naman kasiguraduhan kung buhay pa ako pagkatapos ng pandemic na ito. Tama lang na masabi ko ang mga saloobin ko. Sa mga taong pilit nagsulong sa pagpapasara sa ABS-CBN, sana ay panatag na panatag na ang kalooban niyo. Sana nagdala ito ng lubos na kaligayahan sa mga puso ninyo. Mahirap magsawalang-kibo sa mga taong katulad ninyo na patuloy na nang-aabuso,” saad pa ng aktor.

“Wala kayong mga konsensiya, naatim niyong pagkaitan ng hanapbuhay at pabayaang magutom ang ilang libong mga pamilya! Lalo lang lulubog sa kahirapan ang mga Pilipino! Ito ba ang serbisyo niyo sa bayan?” dagdag pa nito.

Binweltahan rin ng aktor ang mga kritiko ng ABS-CBN na kung saan sinabi nito na hindi umano karapat-dapat pakitaan ng diplomasya ang mga kritiko at pagkamalumanay na pagkasalita.

“Hindi ako mangingiming sabihin ang totoong nararandaman ko ngayon. Sa mga taong tulad niyo na hindi karapat-dapat pakitaan ng diplomasya at pagkamalumanay. Ang dapat sa inyo usapang sanggano at walang-hiyaan! Galing ako sa hirap at jologs ang pagkatao ko, kaya wala akong pakialam ngayon kung anong sasabihin ng ibang tao.” ayon pa kay Coco Martin.

“Hindi man ako kasing talino ng iba, alam ko at malinaw sa akin na MALI at KAWALANG KATARUNGAN ang tanggalan ng hanapbuhay ang ilang libong empleyado ng isang kumpanyang naglilingkod sa sambayanang Pilipino ng ilang dekada!” dagdag pa nito.

Sinabi rin ng aktor na tinarantado umano ni Solicitor General Jose Calida at ng myembro ng NTC ang mga Pilipino.

“Maraming maraming salamat Solicitor General Joe Calida at sa bumubuo ng National Telecommunications Commission sa kontribusyon niyo sa ating bayan! TINATARANTADO NINYO ANG MGA PILIPINO!!!” ayon pa sa kanya.