Sobra na kayo! Willie Revillame sinupalpal ang Rappler at Pia Ranada

Sobra na kayo! Willie Revillame sinupalpal ang Rappler at Pia Ranada

Hindi ipinalagpas ni ‘Tutok to Win’ host Willie Revilla si Pia Ranada ng Rappler matapos siyang batikusin dahil sa kanyang naging press briefing kasama si Presidential Spokesperson Harry Roque.

Matatandaan na inanunsyo ni Willie Revillame sa naging press briefing kasama si Roque na handa siyang magbigay ng tulong para sa mga apektado ng COVID-19 sa bansa.

Dahil sa naging headline ng Rappler, nilinaw ni Revillame na hindi niya hinijack ang press briefing ni Roque noong August 7.

Sinabi pa ng tv host na tinawagan siya ni Roque na kung saan humihingi ito ng tulong kay Revillame na maghanap ng studio na pwedeng gawin ang mga press briefing dahil hindi umano available ang RTVM building.

Kaya naman hindi nag atubili si Willie na ipagamit ang isa sa mga studio sa WilTower kay Roque.

“Ginawan ko po ng paraan ‘yan, ako po ang nag ayos niyan at dito early morning para po may magamit po si Secretary Harry Roque.” saad pa ng tv host.

“Alam niyo ho, yung pagbibigay ko ng 5 million galing po ‘iyon sa sarili ko, pinagsikapan ko pinaghirapan ko, ‘yun po ay galing sa akin at hindi po alam ni Secretary Harry Roque at Governor Jonvic Remulla at ng buong taga Malacanang na nandito, wala.. naisip ko lang po ‘yun,” paglilinaw pa ni Willie.

Ayon pa kay Willie, Nakakadismaya umano na isipin na may iilang netizen ang nagiisip na ginagawa niya lamang ang tumulong upang mabango niya ang kanyang pangalan.

“Eh para pa hong napasama pa ako sa iba na parang nagbuhat ako ng bangko, parang nagyabang pa ako, hindi ko po maintindihan kung bakit may mga ganyan klaseng tao,” saad pa ni Revillame.

Rumesbak naman ng pahayag si Willie Revilla kay Pia Ranada ng Rappler at nilinaw nito kung bakit siya nandun sa press briefing.

“Ang alam ko, ang hij ack may hino-h0stage ka, may dala kang armas. Ang ibig kong sabihin, hindi maganda ang pagkakasulat. Ang sabi hi-nijack ko ‘raw ang programang iyon. I was invited by the secretary, pinagbigyan ako ng pagkakataon dahil dito ho sila, actually kung hindi po sila pwede sa Malacanang studio ay welcome sila dito, para alam po ng tao ng announcement at sasabihin ng Presidente,” saad pa ni Willie.