SolGen Calida binanatan si Coco Martin: “Kung hindi lang ako SolGen, ipapakain ko sa’yo ang sinabi mo!”

Kamakailan lang ay naging viral sa social media ang naging pahayag ng aktor na si Coco Martin matapos nito batikusin ang Solicitor General.

Kasunod nito ng pagbibigay ng National Telecommunications Commision o NTC ng cease-and-desist order na nag-uutos na tumigil sa pag-ere ang ABS-CBN o Kapamilya network dahil umano sa expire na ang kanilang prangkisa.

Maraming mga kilalang personalidad ang nagpahayag ng kanilang suporta sa naturang estasyon at nagpahayag ng kanilang pagkadismaya sa nangyari.

Kaya naman hindi napigilan ng aktor na si Coco Martin na mainis at agad niya itong binatikos ang mga nasa likod umano ng pagbibigay ng NTC ng cease-and-desist order sa Kapamilya network.

Makalipas ang ilang linggo, sinagot ni Solicitor General Jose Calida ang naging pahayag ng aktor at main actor ng ‘Ang Probinsyano’ na si Coco Martin dahil umano sa naging tila bastos na pahayag tungkol sa opisyal ng gobyerno.

Sa naging talumpati ni Calida sa isinagawang hearing ng kongreso tungkol sa prangkisa ng ABS-CBN nitong lunes, hindi napigilan ni Calida na magbigay ng kanyang saloobin tungkol sa mga naging pahayag ng ilang personalidad.

“Maraming maraming salamat Solicitor General Joe Calida at sa bumubuo ng National Telecommunications Commission sa kontribusyon niyo sa ating bayan! TINATARANTADO NINYO ANG MGA PILIPINO!!!” Pahayag ni Coco Martin sa naging viral na uploaded video niya sa social media.

Sinabi ni Calida na ang naging pahayag umano ng aktor ay isang halimbawa na hindi niya nauunawaan kung bakit nangyayari ito sa kanilang network.

Ayon pa kay Calida, kung hindi lang umano sa Solicitor General ngayon ay binigyan niya na umano ng leksyon si Coco Martin dahil sa kanyang mga naging pahayag.

“If I had not been the Solicitor General, I would have called his bluff and make him eat his words,” saad pa ni Calida.

“For decades now ABS-CBN has been deceiving the Filipino people. The time has come to expose ABS-CBN, whose owners and corporate officers continue to deceive the Filipino people in believing that they are “In the service of the Filipino”,” dagdag pa nito.

"Solgen Calida" kay Coco Martin ng ABS-CBN

PANOORIN: "Kung di lang ako Solicitor General, ipapakain ko sa iyo ang mga sinabi mo!" – Solgen Calida kay Coco Martin ng ABS-CBN sa House Hearing ng ABS CBN Franchise Today June 1, 2020 ***Kung ayaw mag-play ng video, i-click at panoorin mula sa link na ito: https://www.facebook.com/angmalayangbalita/videos/253982985705469/

Posted by Ang Malayang Pilipino on Sunday, May 31, 2020