Susmaryosep! Pangulong Duterte muling pinayuhan si Mayor Inday Sara

Muling pinayuhan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kanyang babaeng anak na si Davao City Mayor Inday Sara Duterte na huwag tumakbo bilang pangulo ng bansa.

Sa naging talumpati ng Pangulo sa Jolo Sulu nitong Martes, sinabi nito na marami pang mas malaki ang sweldo kaysa sa pagiging Pangulo ng bansa.

Nanawagan muli si Pangulong Duterte sa kanyang anak na alkalde ng lungsod ng Dabaw na huwag tumakbo bilang Pangulo sa susunod na eleksyon.

“Sabi ko sa anak ko, kay Inday, ‘Day, p i* ‘wag mong pasukin ‘yang trabaho na ‘yan’. Puwera gaba lang, huwag naman sana masamain ninyo.”

“Sabi ko, magtrabaho ka diyan? Wala kang makuha unless gusto mong mamera, ah kaya. Pero kung sabihin mo magtrabaho ka lang presidente? Susmaryosep,” saad pa ng Pangulo.

Kung tutuusin umano, mas malaki pa ang sinasahod ng ilang mga generals kaysa sa Pangulo.

“Suweldo mo 194,000. Ang ibang generals dito mas malaki pa sa suweldo ko, totoo lang. Sinabi ko kay Inday ‘wag kang mag-presidente unless you see something na kaya mo para gawain mo sa bayan. Pero if just a matter of ambition, lay off. Wala ka talagang makuha diyan, pagod lang,” dagdag pa ni Pangulong Duterte.

Ngunit hindi umano pipigilan ng Pangulo kung sakaling gustong magserbisyo ni Inday Sara sa bansa at naisipan nitong tumakbong sa susunod na eleksyon.

“Unless you are driven by patriotism. O ‘yan, kung gusto mo talaga mag-service sa bayan mo. Kaya sabi ko sa kanya in English they say, ‘if you cannot stand the heat in the kitchen, get out’,” saad pa ni Duterte.

Sa naging press briefing, Nilinaw ni Presidential Spokesperson Harry Roque ang naging payo ng Pangulo sa kanyang anak na babae.

“here’s no gain to becoming a President unless you’re corrupt. It’s all public service, that’s what he’s saying,” saad pa ni Roque.

“Malinaw naman po ang palaging sinasabi ni Presidente kay Mayor Sara. Talagang it’s a thankless job. It’s all sacrifice, walang return, and ayaw niya na ganyan yung buhay ng kaniyang anak,” dagdag pa nito.