Thinking Pinoy naging emosyonal dahil sa naging aksyon ni Sen. Koko Pimentel: “Mag resign ka na kung may respeto ka pa sa sarili mo”

Kamakailan lang ay naging laman ng social media ang naging aksyon ng isa sa senador ng republika ng Pilipinas na si Koko Pimentel.

Binatikos ang mambabatas ng mga netizen matapos ito lumabag sa Home Quaratine Protocol at lumabas ito ng kanilang bahay kahit na siya ay isang Person Under Investigation o PUI dahil sa COVID-19.

Kahapon ay kinumpirma ng senador na nagpositibo siya sa coronavirus at naglabas ito ng pahayag at ipinaliwanag na hindi naman daw siya umubo kaya wala dapat umanong katakutan ang mga tao sa kanya.

“Una sa lahat, yung home quarantine ko is the general quarantine nating lahat. Kung non-essential movement, huwag na tayong gagalaw. E wala naman akong positive test noon at manganganak ang misis ko,Sino ang sasama sa manganganak na misis kundi si mister?” pahayag ng senador.

“Una sa lahat, hindi naman ako umuubo so hindi ako nakakalat ng droplets. Wala ako ubo so ‘wag masyado matakot,”

“Understand ko ‘yong natatakot pero ‘wag masyadong mag-discriminate kasi ngayon ko nararamdaman ‘yong discrimination actually,” dagdag pa nito.

Dahil dito, Naging emosyonal ang kilalang taga suporta ni Pangulong Rodrigo Duterte na si Thinking Pinoy dahil sa ginawa ng senador.

Ayon kay RJ Nieto o mas kilala sa pangalang ‘Thinking Pinoy’ ang ginawa umano ng senador ay pwedeng magpalala sa sitwasyon dahil pwede umanong ma apektuhan ang mga nag tatrabaho na nurses at doctors sa naturang ospital.

Nanawagan rin ang blogger sa PDP-Laban na tanggalin si Senador Koko Pimentel sa kanilang hanay.

“Pag hindi niyo tinangal si Koko, ay baka manælo pa ang mga dilaw sa susunod na eleksyon,” saad pa ng blogger.

“Napakairesponsable, gawain ba ng matinong tao yun?,” dagdag pa nito.

“Hindi ko trabaho na gawin to, pero naaawa ako sa bayan ko, samantalang si Koko yun ang trabaho niya pero imbis na makatulong naka perwisyo pa,” pahayag pa nito.

Dahil umano sa ginawa ng mambabatas ay kinakailangan maisailalim ang mga nurses at doctors sa 14 days quarantine. Sinabi rin ni Nieto na mas nakakatulong pa umano si Vice President Leni Robredo kaysa kay Pimentel.

“Si Leni yung mga dilaw na fashion designer kinausap niya lahat, gumagawa sila ng PPE, isipin niyo si Leni ganoon na nga kahina ang ulo gumagawa pa ng PPE, sabihin niyo ng epal si Leni o hindi pero kahit kaepalan nakakatulong si Leni hindi katulad mo Koko na nakakasagabal lang,”

“Mahiya ka, daig ka pa ni Leni, tatlo, apat na taon nating nilalait yung tao tapos siya yung humahanap ng paraan,” dagdag pa nito.

Yang si Senator Koko Pimentel at PPE

Posted by Thinking Pinoy on Wednesday, March 25, 2020