ThinkingPinoy rumesbak at binatikos ang OFW sa Taiwan na si Ordidor

Nitong nagdaang araw ay naging laman ng social media ang tungkol sa isang OFW sa Taiwan matapos nitong batikusin si Pangulong Rodrigo Duterte.

Sa kanyang mga facebook uploaded video, sinabi nito na palamunin at mukang pera ang mga taga suporta ng Pangulo, at nag banta pa ito na sasampalin niya ang Presidente ng bansa.

Kaya naman agad na gumawa ng aksyon ang Department of Labor and Employment (DOLE) Attache sa Taiwan at nirequest na ipa-deport si Ordidor dahil sa kanyang mga naging pahayag.

“We are constrained to act for the deportation of a Filipina working as caregiver in Taiwan for the cr1ime of cyber li1bel for willful posting of nas$ty and male3volent materials against President Duterte on Facebook intended to cause hatr3ed amidst the global health cr1isis brought about by the COVID-19 pandemic”

“It has come to our knowledge that Ms. Ordidor is using several social media accounts, among which are Lenale Elanel Egot, Mha Lan Dee, Linn Silawan and Hampas Lupa and has a group organized to discredit and malign the President and de3stabilize the government.”

“Due to her acts, POLO coordinated with her broker and employer on her deportation on the basis of the gravity of Ordidor’s offense under Philippine Law. The sharing and posting of such videos are punishable under Cyber l1ibel under Republic Act No. 10175.” pahayag ng DOLE sa kanilang press release.

Ngunit imbis na tumigil sa kanyang mga pambabatikos sa duterte administrasyon, patuloy parin ang banat ni Ordidor sa pamahalaan at lalo na sa mga taga suporta ni Pangulong Duterte.

Sinabi rin nito na marami ring mga social media influencer at blogger ang bumabatikos kay Vice President Leni Robredo pero ni isa sa kanila wala umano ang humingi ng patawad.

“Noong sila Sassot, sila Mocha Uson, sila Andrew sila Thinking Pinoy na binabalahura si Madame Leni, iyon po ba ay inoobliga ng gobyerno na magso-sorry sila sa Vice President natin? Sabi ho nila, ‘Ma’am sige ho, ba-bye,” ayon pa sa kanya.

Kaya agad na rumesbak si RJ Nieto o mas kilala sa tawag na ThinkingPinoy at nanawagan kay Ordidor na huwag siyang idamay sa gulong kinakaharap nito.

“Don sa lukaret na Taiwan OFW: Ning, nagagaga na ako rito sa paghanap ng PPE for frontliners. Wag mo na ko isali sa drama na yan,” bwelta pa ni ThinkingPinoy.

“Jusko, nagkakamatayan na ang mga Pilipino pero pulitika pa rin ang inaatupag. Magbagong-buhay na kayo my gahd I heyt drahgs,” dagdag pa nito.