“Tigilan muna ang pagiging EPAL at pagiging KSP,” Senate President Tito Sotto may pinatamaan sa local na gobyerno

Kamakailan lang ay naging laman ng social media ang ginawang paghahamon ng alkalde ng Maynila na si Mayor Isko Moreno.

Sa video coverage ni Mayor Isko, hinamon nito ang mga senador na ipakita nila ang pagmamahal nila sa bansa dahil hindi umano sila nagpapakita sa gitna ng coronavirus disease sa bansa.

“Kayong mga senador dalawamput apat kayo, ipakita niyo ang pagmamahal niyo sa Pilipino. Kami mga taga Maynila pilipino rin, ngæyon niyo ipakita, nasaan kayo ngæyon.” saad ng alkalde ng Maynila.

“Puro nalang tayo kontra dito krontra roon, dahil sa mga isinusulong niyong political interest. Wala ba kayong puso? Maswerte kayo mga pinagpala kayo, Paano yung mga naghihikahos, bago pa mangyari ang cr1sis na ito.” dagdag pa nito.

Dahil dito, sinagot ni Senate Presidente Vicente Sotto III ang naging pahayag ng alkalde at sinabing hindi sila nagiging pabaya sa kanilang tungkulin ngæyon nasa krisis ang bansa.

“Mga kababayan, bilang Pangulo ng Senado, nais ko po, una sa lahat, pasalamatan ang lahat ng ating mamamayan lalo na ang mga tagapangalaga ng kalusugan na tumutulong ng taos puso at walang pagyayabang. Ang pagtulong sa kapwa na walang hinihintay na kapalit o papuri ay tunay na dakila,” pahayag ni Sen. Sotto.

“Para naman dun sa ilang kababayan natin na nagyayabang at mahilig maghamon sa mga Senador at pulitiko na lumabas at tumulong sa kapwa, sana ay mahismasmasan kayo at magkaroon ng tamang katinuhan,” dagdag pa nito.

Sinabi pa ni Sotto na ginawa na nila ang kanilang trabaho sa pagpasa ng Bayanihan To Heal As One Act upang tug0nan ang pangangailangan ng Pilipino sa gitna ng krisis.

Hinikayat rin ni Sotto ang iba pang opisyal na huwag gamitin ang kasalukuyang krisis sa bansa para sa kanilang mga political agenda.

“Sang-ayon ako na bawal mamulitika kung kaya’t hinahamon ko lahat ng pulitiko sa buong bansa lalo na ang mga mayayabang na local official, na wag gamitin ang pagtulong sa kanilang mga nasasakupan para sa pansariling ambisyon,” pahayag pa ng senador.

“Tigilan natin ang pagpapacover ng mga ating ginagawa, ito naman ay ating sinumpaang tungkulin. Tigilan muna ang pagiging EPAL at pagiging KSP,” dagdag pa nito.

Sinagot rin ni Senator Ping Lacson ang naging patutsada ng alkalde ng Maynila.

“Yorme, kaya po namamahagi ngæyon ang gobyerno ng tulong pinansyal kasama na ang lungsod ng Maynila ay dahil nagpagod at nagpuyat ang mga senador kahit may banta ng COVID-19 para ipasa ang Bayanihan Act. Iyan kasi ang mandato namin. Mali ang paratang ninyo na wala kaming ginagawa,” pahayag pa ni Sen. Lacson.