Tinalo pa kasi! Lawmaker who pushed for ABS-CBN francise renewal withdraws his support to Kapamilya network, Here’s why

Kamakailan lang ay naging laman ng social media at pati narin sa telebisyon at dyaryo ang tungkol sa prangkisa ng isa sa pinakamalaking estasyon sa bansa na ang ABS-CBN.

Ito’y dahil na rin sa ibinigay na cease-and-desist order ng National Telecommunication Commission (NTC) na nag-uutos na ipatigil ang pag-ere ng naturang estasyon.

Maraming mga kilalang personalidad at ilang mga senador at kongresista ang nagpahayag ng kanilang suporta sa naturang estasyon na kung saan nananawagan ang mga ito na ibalik ang pag-ere ng ABS-CBN o mas kilala bilang Kapamilya network.

Ngunit nagbago ang ihip ng hangin matapos bawiin ng ilang kongresista ang kanilang suporta sa ABS-CBN, katulad na lamang ni Kabayan party-list Rep. Ron Salo.

Sa naging congressional hearing tungkol sa prangkisa ng ABS-CBN, binawi ni Rep. Salo ang kanyang authorship sa pagbibigay ng prangkisa sa ABS-CBN dahil narin sa isang pagbabalita ng isa sa mga reporter ng Kapamilya network.

Ayon kay Rep. Salo, pinagbibintangan umano siya ni Christian Esguerra reporter ng ABS-CBN na nagpapataw ng mahigpit na regulasyon sa ABS-CBN para sa prangkisa ng Kapamilya network.

“ABS-CBN’s Christian V. Esguerra reported that the proposed parameters “was the government’s way to control the shattered news network that repeatedly criticized President Rodrigo Duterte.” saad pa Rep. Salo.

“Journalism professor Christian Esguerra passed it on as a news article and yet, the first sentence is already based on his biased personal opinion. Okay lang po sana kung ang sinulat ni Ginoong Esguerra ay isang opinyon o editorial at hindi news article,” dagdag pa nito.

“Mr. Esguerra’s inability to be impartial is perhaps the primary reason for his fierce objection to my proposed measure. He had difficulty separating facts from opinion. For indeed, news has to be about facts. And if one has to report an opinion, then there must be proper attribution. But it’s a cardinal sin for journalists to pass his opinions as facts,” giit pa nito.

Ayon pa kay Salo, hindi umano nadedepensahan ng ABS-CBN management ang kanilang network mula sa mga akusasyon ng mga kritiko.

“Sa pagtatasa namin, ang mga nailatag na ebidensiya ay mas pumapabor sa mga hindi pumapayag na mabigyang muli ng bagong prangkisa ang ABS-CBN. My partylist deems that ABS-CBN failed to successfully rebut the long list of alleged violations and thus, this representation cannot anymore support the grant of a new franchise to ABS-CBN,”

“Dahil dito, hindi na kayang suportahan ng Kabayan Party-List ang pagbibigay ng bagong prangkisa sa ABS-CBN. I am respectfully manifesting to this honorable committee my withdrawal of my authorship of House Bill No. 6901,” dagdag pa nito.