Tinulungan na naninira pa! Ginang Bistado ng Brgy Official matapos silang siraan sa social media

Viral sa social media ang isang ginang matapos nitong sabihin na hindi umano siya tinutulungan ng kanilang barangay.

Sa isang viral video, makikita kung paano knumpronta ng opisyal ng barangay ang ginang matapos nitong magpakalat ng impormasyon sa social media na hindi umano sila binibigyan ng tulong mula sa kanilang barangay.

Maririnig sa video na ilang beses na nabigyan ang ginang ng taga barangay ng mga relief goods at mga gatas para sa kaniyang anak.

Ngunit imbis umano magpasalamat ay ipinalabas ng ginang sa social media na wala pa siyang natatanggap na ayuda mula sa barangay.

Kaya sinermonan siya ng opisyal ng barangay at sinabing mali ang kaniyang pinagsasabi dahil mismo ang barangay ang nagbibigay ng relief goods sa kanya at mga gatas at diaper para sa kanyang anak.

“Nag-i-scam na ang trabaho mo eh. Di ba binibigyan naman kita tapos ang comment mo ay hindi ka binibigyan ng barangay. Di ba wave 1, dinala ka namin sa barangay ng relief goods. Wave 2, ‘yung kay mayor. Tapos nag-message ka sa akin, humihingi ka ng gatas at diaper.” sabi ng isang opisyal ng barangay.

“Pinuntuhan pa kita dito ng gabi at pinagtanong pa kita dito, binigyan kita ng gatas na hinihingi mo, dipaer at sinamahan ko pa ng isang relief goods. Tapos after 3 days, nag-message ka sa akin at humingi ng nestogen at diaper. Pero ang comment mo sa mga posts mo (sa social media) ay walang binibigay sa iyo ang barangay,” dagdag pa nito.

Ang nakakadismaya pa umano ay ang paghingi ng donasyon ng ginang sa kalapit na barangay dahil hindi pa umano nagbibigay ang kanilang barangay.

“Ang dami mo nang hiningian ng tulong San Francisco, Bella Vista… na-trace ka namin. Na-print na namin lahat iyan (comment mo). Humingi ka ng tulong sa Bella Vista, pinadalhan ka dito. Sabi ng taga Bella Vista ay makipag-ugnayan ka sa kapitan ng baragay niyo.” pahayag pa ng opisyal.

“Ang dami mong comment at ang dami mong hinihingian ng tulong… Parang ang gusto niyo lahat ay iaasa niyo sa gobyerno ‘yung pangangailangan niyo dito… Ang daming nag-donate sa iyo. Ang pangit ate ng ginagawa mo. Ngayong ipo-post ko sa social media ang ginagawa mo. Hindi magandan iyang ginagawa mo” giit pa nito.

Hindi lahat ng nagrereklamo sa facebook na hindi nahatiran ng relief goods, ay totoo.Yung iba gusto lang makapanlamang…kunwari hindi nabigyan para kaawaan ng iba at bigyan din ng tulong. Si Ate magaling sa networking 😂

Posted by Baby Aquino on Friday, April 24, 2020