Tito Sotto slams critics of the President: “Ganun niyo nalang murahin si PRRD tapos ngayon mananawagan kayo sa kanya?”

Kamakailan lang ay naging laman ng social media ang tungkol sa usapin ng anti-terr0r bill na bagong batas na ipinukala upang labanan ang terorista sa bansa.

Matatandaan na maraming kilalang mga personalidad ang tumutol sa bagong ipinukalang batas dahil umano labag ito sa karapatan ng tao.

Dahil dito, maraming mga taga oposisyon at pati narin ang mga kritiko ng naturang batas ang ngayon nananawagan kay Pangulong Duterte na i-veto ang naturang batas.

Kaya naman hindi napigilan ni Senate President Tito Sotto na paalalahan ang mga kritiko na ngayon ay nananawagan sa Pangulo.

“Ganun ganun na lang kung murahin nila si PRRD, ngayon nananawagan sila sa kanya?” saad ng Senador sa kanyang twitter post.

“Respect is an important element of personality. Whatever you give to others will return to you, with Profit”. Ganun din sa disrespect! Watch out!” dagdag pa nito.

Ayon pa kay Senator Panfilo Lacson na isa sa mga principal authors ng anti-terr0r bill, ang mga kritiko umano ng naturang batas ay ngayon kinikwestiyun kung papaano ipapatupad ng gobyerno ang bagong batas.

“Many of those opposing the anti-terrorism measure have now shifted their aim to target the implementation. They have mastered the art of argumentation – when you run out of sound reasons to argue, just say: BASTA!” saad pa ng senador.

Sumangayon naman si Senate President Tito Sotto sa sinabi ng kapwa senador.

“Tama si Ping, nuong hindi umubra mga pintas nila sa laman ng bill dahil wala mga sinasabi nila, sa implementasyon naman ang target. Futuristic? Ano ba talaga?” saad pa ni Sotto.