Toni Gonzaga nagbabala sa gobyerno matapos hindi mabigyan ng prangkisa ang ABS-CBN: “Hindi namin makakalimutan ang ginawa nyo”

Kamakailan lang ay naglabas ng mga pagkadismaya ang ilang mga kilalang personalidad sa industriya ng showbiz ito’y kasunod ng pagkabigo ng ABS-CBN na makakuha ng panibagong prangkisa mula sa kongreso.

Ilan sa mga artista na nagpahayag ng kanilang pagkadismaya ay sina Vice Ganda, Angel Locsin at marami pang iba.

Naging usap-usapan rin ngayon ang naging pahayag ni Toni Gonzaga matapos nito maglabas ng kanyang pahayag sa unang pagkakataon matapos magsara ang aBS-CBN.

Sa kanyang Instagram post, ibinahagi nito na nasasaktan siya habang binabasa niya ang mga mensahe ng kaniyang mga katrabaho na nagpapaalam na ngayon.

Pinaalalahan niya rin ang mga bumuto laban sa ABS-CBN na hindi makakalimutan ng mga empleyado ng ABS-CBN ang kanilang ginawang desisyon.

“Everyday ang sakit mag bukas ng viber dahil nagpapaalam na lahat ng mga katrabaho namin samin. Sa lahat ng nasa posisyon ngayon, hindi namin makakalimutan ang ginawa nyo sa mga trabahador ng ABSCBN,” saad pa ni Toni.

“You may have the power now but it will not be forever. I believe that no matter who the president is, JESUS is still KING and He is the name above ALL names,” dagdag pa nito.

Ipinagdasal rin ni Toni ang mga empleyadong na apektuhan ng pagsasara ng ABS-CBN, naniniwala rin ito na darating ang panahon at makakaahon muli ang mga ito.

“We will continue to keep our faith in Christ that He will sustain us during these trying times. Just like the positions of the people in power today, what we are going through will not last forever. Troubles come to pass, they don’t stay. Jesus said, when you go through deep waters I will be with you. One day He wipe these tears away and replace it with JOY beyond compare. Babangon tayong lahat muli,” saad pa niya.

View this post on Instagram

Everyday ang sakit mag bukas ng viber dahil nagpapaalam na lahat ng mga katrabaho namin samin. Sa lahat ng nasa posisyon ngayon, hindi namin makakalimutan ang ginawa nyo sa mga trabahador ng ABSCBN. You may have the power now but it will not be forever. I believe that no matter who the president is, JESUS is still KING and He is the name above ALL names. Lord yakapin mo po lahat ng mga kapamilya namin na nawalan, nasasaktan at nanghihina. We will continue to keep our faith in Christ that He will sustain us during these trying times. Just like the positions of the people in power today, what we are going through will not last forever. Troubles come to pass, they don’t stay. Jesus said, when you go through deep waters I will be with you. One day He wipe these tears away and replace it with JOY beyond compare. 🙏🏼 Babangon tayong lahat muli.🙏🏼 #yakapkapamiya❤️💚💙

A post shared by Celestine Gonzaga-Soriano (@celestinegonzaga) on