Tulfo binutata ang anak ni Kiko: “Baguhin muna natin ang sarili’t pag-iisip natin, Gets mo Hija?”

Naging viral sa social media ang tungkol sa naging pahayag ng batikang mamamahayag na si Ben Tulfo sa anak ni Senador Kiko Pangilinan na si Frankie.

Matatandaan na nagbigay ng komento ang anak ni Senator Francis Pangilinan na si Frankie matapos kumalat sa social media ang pagbibigay ng payo ng Lucban Quezon Province P-lice sa mga babae na magsuot ng maayos na damit para hindi maging biktima ng mga man yakis.

“Mahalin natin ang mga kababaihan at huwag niyo abusuhin ang kanilang kabaitan,” saad pa nila.

“Kayo naman mga ghErlsz, wag kayo mag suot ng pagkaikli-ikling damit at pag naman nabastos ay magsusumbong din sa amin,” dagdag pa nito.

Hindi naman nagustuhan ni Frankie Pangilinan ang naging pahayag na ito ng Lucban, Quezon Provice P-lice at agad na dinepensahan ang mga kababaihan.

“Stop teaching girls how to Dress? T3ach people not to r*p,” saad pa nito sa kanyang social media post.

Dahil dito, agad na nagkomento ang batikang mamamahayag na si Ben Tulfo sa naging social media post ni Pangilinan at sinabing bata pa siya para malaman ang lahat sa mundo.

Ayon pa kay Tulfo, wala umanong pag-asa ang mga man yakis, kaya mas nakakabuti pa umanong magsuot na lamang ng maayos na dami ang kababaihan upang maiwasan na maging biktima ng mga man yakis.

“Hija, iba mag-isip ang mga manyakis at mga rap1sts. Hindi natin sila matuturuan at mababago ang kanilang pagnanasa at pagiging kr1minal,”

“Ang tanging magagawa ay manamit ng tama. Huwag nating pukawin ang pagnanasa nila. Ito ang iyong magagawa,” dagdag pa ni Tulfo.

“Bago natin sila baguhin, baguhin muna natin ang sarili’t pag-iisip natin. Gets mo Hija? Tatay mo ang author ng Juv3nile Lw,” giit pa nito.

Ipinaliwanag rin ni Lucban Major Rizaldy Merene ang kanilang pahayag at sinabing mali lang nang pagkaintindi ang mga tao.

“Parang advice lang ’yun… kaso nga lang na-misinterpret na ng iba,”

“Mali nga pero ang point lang niya doon is para lang ’wag lang mag-short, ’wag magsuot ng maiksing short, ’yun lang wala nang iba.” dagdag pa nito.