Tumahimik ka! DFA Sec. Locsin sinupalpal si Sen. Kiko: “Shut up if you have nothing intelligent to say!”

Naging viral sa social media ang tungkol sa naging pahayag ni Department of Foreign Affairs (DFA) Secretary Teddy ‘Boy’ Locsin Jr. laban kay Senador Francis ‘Kiko’ Pangilinan.

Matatandaan na muling bumanat si Sen. Pangilinan sa Department of Health (DOH) at ipinagpapaliwanag nito kung bakit mas binigyan ng prayoridad sa produksyon ng covid-19 test kits ang South Korea at China kaysa sa gawa ng University of the Philippines.

Ayon pa kay Pangilinan, nagkakahalaga lamang umano ng P1,320 per unit ang gawa ng UP, samantala nasa may halagang P4,000 hanggang P8,000 ang gawa ng South Korea at China.

“As concerned as we are for the health of the Filipinos, we are also keenly looking after the well-being of our state coffers… Every peso of meaningful, honest, and transparent spending and saving will go a long way, especially amid an economic crisis” pahayag pa ni Sen. Pangilinan.

“Ang sabi sa atin ng mga insiders sa DOH, walang kahirap-hirap ang mga imported test kits, samantalang pinahirapan talaga itong gawa ng Pinoy… Kung hindi pa natin kinalampag nung isang araw baka umabot pa nang taon bago gamitin,” dagdag pa ng senador.

Hindi naman nagustuhan ni Sec. Locsin ang naging pahayag na ito ng senador kaya naman hindi na ito nagpa-awat at minura ang senador.

Paliwanag ni Sec. Locsin, binigyan umano ng prayoridad ang gawa ng South Korea at China dahil subok na ang mga gawa nilang mga test kits.

“They’re proved to f* work… What’s wrong with you. Shut up if you have nothing intelligent to say. P…I am not going to let our people die in the name of Filipino first. P*********,” saad pa ni Sec. Locsin.