Tumataginting na P629K ang natanggap ng newlyweds sa kanilang ‘prosperity dance’

Tumataginting na P629,600 thousands ang nakuha ng dalawang paswerting newlyweds sa kanilang ‘prosperity dance’.

Laking pasasalamat ng dalawang bagong kasal sa kanilang pamilya, kamag-anak at mga guests na dumalo sa kanilang kasal.

Sa facebook post ni Ernie Piamonte Balili, videographer ng kasal na iyon, sinabi nito na ang pera na naka pinned sa wedding gown at suit ay galing sa ‘prosperity dance’ sa araw na iyon.

Sa naging pahayag ng Inquirer sa bride, ang ‘prosperity dance’ ay naging tradisyon na umano nila.

“[Y]ung sa wedding po, ang parents of both sides [dapat ay] nagbibigay po ng equal amount [of money], and the rest are from the guests na po kasi daw po mas ok [na] magstart kami [nang] maginhawa, [at] nasa sa amin na [kung] paano po papalaguin yung pera,” sabi ng bride.

Nagpapasalamat rin ang dalawang newlyweds na sina Jay Alvin Milagrosa at Kastiene Casten sa pagmamahal at kabaitan ng kanilang pamilya at mga guests lalong lalo na ang mga godparents nila.

Makikita sa mga damit ng dalawang bagong kasal nababalutan sila ng P1000, P500 bills na tila mga pamaypay sa dami.

“Umiiyak ako habang sumasayaw kami [dahil] sa sobrang saya ko. Nabawi lahat ng stress namin sa preparations at planning kasi syempre kailangan [ng] budgeting talaga. Simple lang naman [ang] gusto namin sa kasal po,” dagdag pa ni Casten.

Ang facebook post na ito ay umani na ng 4,500 reactions at mahigit 16,000 shares.