VIRAL!: Angel Locsin hindi pinalagpas ang ginawa ng ABS-CBN sa kanya

HomeLocal NewsPolitical Blogger sinupalpal si Kathryn Bernardo: “Wag mo silang idamay sa problema nyo!”
Political Blogger sinupalpal si Kathryn Bernardo: “Wag mo silang idamay sa problema nyo!”
By root May 16, 2020 Local News 0 Comments
Kamakailan lang ay naging lamang ng social media ang tungkol sa pagsasara ng isa sa pinakamalaking tv network sa bansa na ang ABS-CBN.

Ito’y kasunod na rin ng pagbibigay ng cease-and-desist order ng National Telecommunications Commission o (NTC) na naglalayon na ipatigil ang pag-ere ng naturang estasyon.

Dahil dito, maraming artista ang nagpahayag ng kanilang suporta sa naturang estasyon at naglabas ng kanilang sama ng loob lalo na sa mga tao na nasa likod umano ng nangyaring ito.

Hindi rin umubra ang ginawang headline ng ABS-CBN News ukol sa kanyang naging pahayag noong Mayo 12 na kung saan nanawagan ito sa National Telecommunications Commission (NTC) na bigyan ng extension ang ABS-CBN para makapag-ere.

“Naniniwala po ako na, sana po, ma-extend po ang prangkisa ng ABS-CBN. . Hindi lamang po ito makakatulong sa mga manggagawa ng ABS-CBN, kung hindi para po sa mga nag-aabang ng updates, sa entertainment, sa information, kung may kailangan po ng panawagan, kung may nawawalang bata, kung anuman po, kung may kailangan po ng tulong, kung ano pa.”

“Huwag ho sana nating kalimutan na ang majority dito sa Pilipinas ay wala pa pong access sa mabilis na internet, o internet mismo. Mayroon pa rin tayong mga kababayan na sa radyo pa po nakadepende, kabilang po diyan ang tatay ko na bulag. Alam ko po na mayroon po tayong ibang network, but the more information and the easier access to information for everyone is better. “

“Dahil alam ko po, alam po nating lahat na sa pandemyang ito, every second counts. Humihingi po ako ng extension sa NTC para po meron po tayong time, ang ating pong Kongreso para po sa maayos na pagdinig at paglilitis. Wala pong VIP treatment dun. Again, kung may mali po ayusin po natin, pero hindi po ang closure ang solusyon. Lalo na po ngayon sa panahon ng pandemya. Bigyan niyo po sana ng pagkakataon ang ABS-CBN na makapagpaliwanag at kung ano man ang pagkakamali ay ma-improve pa po.”

“At uulitin ko po, ang pagpapasara po ng network sa gitna ng pandemya ay hindi po solusyon at hindi po makakatulong sa maraming Pilipini. Ayun lamang po,” saad pa ng aktres.

Sa naging headline ng ABS-CBN News sinabi nito na “Angel Locsin: Taking ABS-CBN off air puts public safety at risk during pandemic.” kaya agad na binatikos ng aktres at sinita nito ang naging headline ng naturang artikulo.