VIRAL: Arnell Ignacio sinampahan ng kaso si Mystica!

Kamakailan lang ay naging viral sa social media ang naging pahayag ni Mystica laban kay Pangulong Rodrigo Duterte.

Naging laman ng social media ang tungkol sa sinabi ng aktres na si Mystica laban kay Pangulong Duterte tungkol narin sa pamamalakad umano nito upang labanan ang COVID19 sa bansa.

Marami ang bumatikos sa aktres at sinabing ginagawa na lahat ng Pangulo para lang malabanan ang naturang sakit na kumakalat sa bansa.

Dahil dito, hindi na napigilan ni Arnell Ignacio na parusahan ang bigyan ng leksyon ang aktres at agad niya itong sinampahan ng kaso sa kasong inciting to sedition, cyberlib3l, at violation sa Bayanihan To Heal As One Act ang aktres.

Dumulog si Arnell Ignacio sa Imus City Prosecutor’s Office sa Cavite upang maghain ng reklamo laban sa naging pahayag ng aktres.

Naging basehan ni Ignacio ang mga naging pahayag ni Mystica sa kanyang uploaded video sa social media na kung saan minura nito si Pangulong Duterte.

“Kapag seryoso ang issue e file na ako ng case. Hindi talakan lang sa FB. Hindi mo puede mura-murahin si presidente nang ganun-ganun lang at aatungal ka pagkatapos.” saad pa ng aktor.

“Mas malala, nagyaya ka pa na pabagsakin ang gobyerno imbis na tumulong ka na lang. Yung pagmumura mo naman e parang PERSONAL ang kasalanan sa iyo, e.” dagdag pa ng aktor.

Ang nakakadismaya pa umano sa ginawa ng aktres ay hindi niya binigyan ng paggalang ang Pangulo kahit man lang respeto nalang dahil mas matanda ang Pangulo.

“Kahit man lang sana sa edad nung tao e binigay mo na kahit katiting na paggalang.” saad pa ni Arnell.