VIRAL: BB. Gandang Hari sinupalpal si Vice Ganda: “Masuwerte ka at sumikat ka, dahil bobita ka!”

VIRAL: BB. Gandang Hari sinupalpal si Vice Ganda: “Masuwerte ka at sumikat ka, dahil bobita ka!”

Naging viral sa social media ang tungkol sa naging pahayag ni BB Gandanghari or dating kilala bilang Rustom Padilla matapos nito supalpalin si Vice Ganda dahil sa kanyang naging pahayag nuong 2009.

Sa uploaded video vlog ni BB Gandanghari, ibinahagi nito ang isang video tungkol sa isang interview ni Vice Ganda na kung saan tinanong ang kanyang opinyon tungkol sa transf0rmation ng dating action star.

“Super love ko si Rustom… ‘yung buhay na Rustom bago pinatay, ang cre3py, sino bang pumatay kay Rustom? Hindi siya proud na bading siya, hindi naman niya kini-claim na bading siya” saad pa ni Vice Ganda.

“Nag modeling school sa new york yata, bakit mag momodela? Ngayon siya magmo-modeling nasa 40s diba medyo may edad na,” dagdag pa nito.

Agad naman humingi ng tawad si Vice Ganda sa kanyang naging komento tungkol kay BB Gandanghari, ayon pa kay Vice idolo niya umano si Rustom Padilla kaya niya nasabi iyon.

Binatikos ni BB GandangHari si Vice Ganda dahil narin sa naging pahayag nito, isa umano itong halimbawa ng isang two faced people.

“Ayaw mong tanggapin ang pagkababae ko, kukuwestyunin mo. Eh, wala ka naman palang sense. Masuwerte ka at sumikat ka, dahil bobita ka, `yun lang ang masasabi ko sa’yo,” sagot pa ni Gandanghari.

“Anong ibig mong sabihin na ang pagiging babae ay sinasarili? Ano parang ikaw? Pagdating mo sa kwarto ay naka-bra ka gano’n? Ipokrita” dagdag pa nito.

“Nagpa-interview siya sa TV Patrol para i-bash ako. Para sumikat. At in fairness, sumikat naman siya. Isang malaking bangaw! Isang malaking bangaw!” saad pa ni Gandanghari.