VIRAL: BB Gandanghari nagpasalamat kay Pangulong Duterte: “Napakatalino ng presidente ninyo. Makinig kayo!”

Viral ngayon sa social media ang naging mensahe ni BB Gandanghari kay Pangulong Rodrigo Duterte lalo na sa kinakaharap na problema ngayon ng bansa.

Sa kanyang youtube vlog, nagpapasalamat si BB GandangHari kay Pangulong Duterte dahil sa kanyang ginagawa para sa bansa at para maiwasan ang pagkalat ng covid-19.

Sinabi ito ni BB Gandanghari sa kanyang Youtube vlog matapos siyang kamustahin ng isa niyang followers kung patuloy pa rin ba ang lockdown sa Los Angeles California kung saan siya naninirahan.

“Hindi! Please, makinig kayo (naka-fast forward ang video) Kasi ganun din kami dito. Kaya ‘yung sinasabi n’yong lockdown, hindi ibig sabihin na, may mga kailangang lumabas ng bahay, ito ‘yung sinasabi ni Duterte,” saad ni BB sa kanyang Youtube vlog.

Agad rin pinasalamatan ni BB si Pangulong Duterte at sinabi nito na saludo siya sa pamumuno ng Pangulo dahil ginagawa nito ang lahat ng kanyang makakaya para pangalagaan ang mga Pilipino.

Nakakadismaya rin umano ang ibang mga Pilipino na matitigas ang ulo dahil sa kanilang paglabag sa ipinapatupad na safety measures ng gobyerno.

Kaya naman hinihikayat niya ang mga Pilipino na kung maaari ang sundin ang mga ipinapatupad na batas ng pamahalaan lalo na nasa gitna ng crisis ang bansa.

“Maraming salamat sa’yo, Pangulong [Rodrigo] Duterte ha (sumaludo) at sana, kasi maraming nakikinig sa’kin nasa Pilipinas, araw-araw na lang akong pinage-explain bakit ako nasa labas.”

“Nandito lang ako sa Amerika, pero ako yung pinupunto ni Presidente Duterte nung sinabi niyang “‘Yung mga kailangan magtrabaho, ipahuhuli ko ba ‘yon? Syempre, hindi! Mabuti nga’t nagtatrabaho. Hindi ko na sila iintindihin.” That’s his exact words. Napakatalino ng presidente ninyo, makinig kayo,” sambit niya pa. “Ang kulang sa inyo, makinig! ‘Di ba, daddy? (tumawa) Si daddy Duterte.” sabi pa nito.