VIRAL: Bro. Eli Soriano sinupalpal si Mystica dahil sa pagbabatikos kay Pangulong Duterte

Matatandaan na naging viral sa social media ang ginawang pambabatikos ang pagmumura ng singer na si Mystica kay Pangulong Rodrigo Duterte.

Ayon sa mang-aawit, ang dahilan umano ng mga tao kaya sila nagsasagawa ng rally ay dahil wala na silang makain at pinababayaan lamang umano sila ng gobyerno.

“Binigyan kayo ng trabaho, pero bakit hindi niyo magampanan ng tama? At bakit pa kayo binoto ng mga tao kung kayo mismo ang dahilan kung bakit sila magugutom! What is causing them to go them para mag rally napakasimple, gutom sila, hindi niyo ba naiintindihan yun?” sabi ni Mystica sa kanyang ginawang video.

“Ano ba ang pinaglalaban ko dito? Bakit ako nagmumura kasi gutom sila, hindi niyo ba naiintindihan yon? Ngayon kung sasabihin niyo na ako ay baliw, ngayon niyo ipakita talaga na kahit papaano pag ginawa ninyo ang sinasabi ng isang baliw yun mismo makakapag save sa buhay niyo, ng mga Pilipino, kahit na pinagtatawanan niyo ko,” dagdag pa nito.

Sa kasamaang palad, Dahil sa mga pagmumura at pagbabanta ni Mystica sa pamahalaan ay agad na nakuha ang atensyon ng Malacañang at binigyan ng warning ang singer.

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, ang freedom of expression ay hindi absolute at ang mga pahayag ni mystica ay pwedeng gamitin laban sa kanya.

“Hindi po absolute ang freedom of expression, meron pong hangganan po yan, at nakasaad po sa international covenant on civil and political rights na a state can derogate among others dito po sa freedom of expression kapag mayroon pong national emergency” pahayag ni Presidential Spokesperson Roque.

“Alam po natin na ang COVID ay hindi lang national emergency, it is an international emergency, pu-pwede po tayong magkaroon ng derogation, pwede po nating limitahan ang freedom of expression at yun po ang ginawa natin sa bayanihan act,” dagdag pa nito.

Nakuha rin ni Mystica ang atensyon ni Religious Leader Brother Eli Soriano na kung saan hinikayat nito ang kanyang mga taga sunod na huwag nilang tularan ang ginawa ni Mystica.

Ayon pa kay Soriano, hindi umano kasalanan ng gobyerno kung nagugutom ang mga tao dahil hindi naman ginusto ng gobyerno ang mga nangyayari sa bansa.

“May isang artista na minumura ang gobyerno. Pinapahirapan daw ng gobyerno ang tao. Eh kasalanan ba ni Duterte iyon? Mag-isip ka lang kung hindi ka naman gaga” saad pa nito.

MYSTICA TINAWAG NA "GAGA" NI BRO. ELI SORIANO

PANOORIN:SINITA NI BRO. ELI SORIANO NG DATING DAAN SI MYSTICA DAHIL SA GINAWANG PAG MUMURA NYA SA PRESIDENTE AT SA GOBYERNO. TINAWAG NYA RIN ITONG GAGA DAHIL SA KAWALANG RESPETO ANG WALANG PAGKAUNAWA SA GINAGAWA NG PAMAHALAAN.I COMMENT LAMAN SA BABA ANG INYONG OPINYON!

Posted by PH Trendings Today on Friday, April 17, 2020