VIRAL: Cristine Reyes sa pagsasara ng ABS-CBN: “May kanya kanya tayong oras. Walang permanente sa mundo”

Cristine Reyes sa pagsasara ng ABS-CBN: “May kanya kanya tayong oras. Walang permanente sa mundo”

Viral ngayon sa social media ang tungkol sa naging reaction ng Kapamilya aktres na si Cristine Reyes matapos magsara ang isa sa pinakamalaking TV Network sa bansa.

Sa kanyang facebook post nitong nagdaang araw, ibinahagi ng aktres ang kanyang naranasan noong nagtatrabaho pa siya sa ABS-CBN.

Ayon pa sa kanya, wala umanong permanenteng bagay sa mundo at lahat ay makakaranas ng problema ngunit lilipas ang panahon ay maaayos rin ang lahat.

“16 na taon nang ako’y nagsimula sa aking karera. Ang bilis lumipas ng panahon. Minsan nasa taas. Minsan nasa ilalim. May kanya-kanya tayong oras. Walang permanente sa mundo. Lahat sa takdang oras may pagbabago na kahit sino sa atin ay hindi mapipigilan,” pahayag ng aktres.

Imbis na ipaglaban ang ABS-CBN sa mga nasa likod ng pagsasara nito, mas pinili ng aktres na pasalamatan na lamang ang ABS-CBN.

“May mga pangyayari sa buhay natin na planado at meron din naman na hindi planado. Lahat tayo may kanya kanyang pag-subok sa buhay. Tatag ng damdamin at taimtim na tiwala sa itaas. Lahat ng bagay ay lilipas, sa takdang panahon” ayon pa sa aktres.

“Maraming salamat ABSCBN sa 12 taon na tiwala. Kapuso, Kapatid, Kapamilya. Lahat tayo ay iisang bayan,” dagdag pa nito.

Kamakailan lang ay naging laman ng social media ang tungkol sa pagsasara ng ABS-CBN dahil umano sa mga nilabag nilang batas.

Matatandaan na nag labas ng cease-and-desist order ang National Telecommunications Commission (NTC) na naguutos na tumigil sila sa pag-eeri.

Marami ang nagpahayag ng suporta sa naturang estasyon at kasama na rin ang mga iba’t ibang kilalang celebrity sa bansa na nagpahayag ng kanilang pagkadismaya sa nangyaring ito.