VIRAL: Gary Valenciano may mensahe at ipinakita ang pagsuporta kay Pangulong Duterte: “I know my God wants me to do; and that is to keep you covered in prayer”

Kamakailan lang ay naging viral sa social media ang naging televised address ni Pangulong Rodrigo Duterte matapos nitong sabihin na ipapahuli niya ang mga manggugulo sa ilalim ng enchanced community quarantine.

Binatikos si Pangulong Duterte ng kanyang mga kritiko dahil sa kanyang pahayag na ipapahuli nito ang mga leftist group na patuloy parin manggulo kahit na nasa Enchanced Community Quarantine ang bansa.

“Huwag ninyo akong takutin ng gulo-gulo kasi kung gusto talaga ninyo ng gulo, guguluhin natin ang bayan natin tutal wala pa namang pagkain. Kung gusto ninyo nung barilan, eh ‘di sige. Gusto ninyo ng pukpukan, sige. I will not hesitate… My orders are sa pulis pati military, pati mga barangæy na pagka ginulo at nagkaroon ng okasyon na lumaban at ang buhay ninyo ay nalagæy sa alanganin, sh00t them dead.” pahayag ni Pangulong Duterte laban sa mga leftists matapos magsagawa ng rally.

“Naintindihan ninyo? Patay. Eh kaysa mag-gulo kayo diyan, eh ‘di ilibing ko na kayo. Ah ‘yung libing, akin ‘yan. Huwag ninyo subukan ang gobyerno kasi itong gobyerno na ito hindi inutil,” dagdag pa nito.

Sa naging tweet ng Singer at Dancer na si Gary Valenciano, ipinakita nito ang kanyang suporta sa kakatapos lang na televised address ng Pangulo.

Kahit na marami ang bumabatikos sa Pangulo mas pinili ni Gary Valenciano na suportahan ang Pangulo at isali ito sa kanyang pagdarasal lalo na sa kinakaharap na problema ng bansa.

“To our president, President Rodrigo Duterte, there are so many opinions after each time you speak, but I choose to look over all that’s said and simply follow what I know my God wants me to do; and that is to keep you covered in prayer. God bless you, sir…God bless us all,” saad pa ni Valenciano.

Ang naging tweet na ito ng sikat na Singer ay umano ng iba’t ibang reaction mula sa netizen.

“Finally, someone with sense..hindi puro negative..thank you po sir gary v!..being a public figure, your tweet brings positivity..likewise, i always include the president in my prayers..god bless po!” saad pa ng isang netizen na nakabasa sa tweet ni Gary.

“Hi, Mr. Gary. It’s what God wants us to be —to submit ourselves to authorities. Thank you for being a good example to everyone. Your life is such a blessing!” saad pa ng isang netizen.

“Paraan o solusyon sa sitwasyon na ito. isang matinding dasal na lang talaga sa nag iisa Panginoon. Ang makakapitan natin sa Laban na ito. Kanina Habang pinapanood ko sa
@PTVph si PRRD kita mo sa mga mata nya ang hirap at puyat. Tao lang sya! At may edad na. intindihin ntn” sabi pa ng isang netizen