VIRAL: Isang Doctor ibinahagi ang kanyang ‘Blissful Encounter’ sa isang checkpoint

Hindi maikakaila na maraming napabalita na hindi maganda tungkol sa mga isinasagawang checkpoint lalo na sa panahon ngayon.

Kaya naman hindi nagdalawang isip ang isang doktor na ibahagi ang kanyang ‘Blissful Encounter’ sa isang checkpoint upang maibahagi sa netizen na mayroon paring magagandang nangyayari sa bansa.

Sa facebook post ni Dra. Imelda Macayra Ibarreta, ibinahagi nito ang magandang nangyari sa kaniya sa isang checkpoint kasama ang isang police frontliners.

Sinabi nito na papauwi na siya sa kanilang bahay galing sa kanyang pinagtatrabahuan at napadaan siya sa isang checkpoint.

Agad na tinanong ng police officer kung bakit ginabi at saan siya galing, ng malaman ng police na isang doktor at kung saan na ospital. Agad na binahagi ng police officer na sa ospital na iyon rin naka admit ang kaniyang asawa na manganganak.

Agad na tiningnan ng doktor ang nameplate ng police officer at napag-alaman nito na ang asawa ng police ay isa sa kanyang mga pasyente.

Agad na ibinalita ng doktor na nanganak na ang asawa nito, at agad niyang tinanong ang police kung bakit ito naka duty at hindi nag file ng leave.

Agad naman sinagot ng police at sinabing ubos na umano ang kanyang leave at sayang umano kung aabsent pa siya, lalo na naka full alert sila.

Basahin ang kwento niya sa ibaba:

BLISSFUL ENCOUNTER

I was on my way home about 10 pm few nights ago when my car was flagged down at a check point manned by men in uniform, a young officer went to my side:

Officer: magandang gabi po, saan ang punta natin ma’am
Me: pauwi na sir
Officer: saan po nanggaling at mukhang ginabi tayo
Me: hospital
Officer: ano pong hospital
Me: ( i gave the name of the hospital)
Officer: dyan din po naadmit wife ko, kc manganganak na siya
Me: ( i was reading his nameplate & i asked) ……..ba name ng wife mo?

Officer: ( nodding) opo, opo ( looking at me &
probably realized) ikaw po si dra ibarreta?

Me: (w/o answering, i said) nanganak na siya; bakit hindi ka na ka leave?

Officer: ubos na leave ko doc, sayang naman pangdagdag sa budget sa panganganak ni mrs & besides full alert kc kami

Me: (my heart went out to this young man, seemed like he was in deep thoughts) ano maitulong ko sa iyo, magtulongan nga tayo. (silence) O sige na nga kung sabihin ko sa iyo na wala kang babayaran sa akin, as in wala, ok na yon?

Officer: ay hindi po, nakakahiya po, sobra na po yon
Me: bakit, ako nga hindi nahiya sa iyo, nagsilbi ka sa bayan
Officer: (at this point he called his companions
& introduced me to each one, social distancing observed) siya ang doctor ng mrs, nanganak na daw si mrs

& everybody were cheering him. I was amused to see these men jubilant over the news

Me: ano meron kayo for midnight snacks?
Men: madami pong tinapay
Me: pangtulak? (I handed them a bottle of
imported coffee given me by
a friend) heto pasensiya na ha naka gift
wrapped pa

Men in chorus: birthday nyo po?
Me: hindi, matagal na then they started singing Happy Birthday in the middle of the night

I was enthralled by their singing. Oh…WHAT A NIGHT!! A blissful encounter! 😍

©️ Dra. Imelda Macayra Ibarreta – Davao City, Philippines 🇵🇭