VIRAL!: Isang Lalaking buto’t balat na nag viral sasagipin ni Idol Raffy

Naging viral sa social media ang isang lalaking buto’t balat ang pangangatawan na si Emil Malones 32 anyos na taga San Pedro Laguna matapos matagpuan ng isang concerned citizen.

Sa inupload na video ni Gino Angeles, Makikita ang nakakaawang kalagayan ni Emil Malones habang nasa madilim na lugar.

Ayon pa sa uploader, Isang special child umano ang lalaking nasa video at ngayon ay hirap na siyang makakita at lumakad. Kaya naman agad na humingi ng tulong si Gino Angeles sa mga netizen upang matulungan si Emil.

Hindi naman nabigo si Gino Angeles sa pag upload dahil dito ay marami ang nag shares sa video at umabot na kay Idol Raffy Tulfo.

Sa programa ni Raffy Tulfo In Aksyon, Nakausap ni Idol Raffy ang kapatid ni Emil na si Jessie Malones na agad naman niyang inamin na napabayaan nila ang kanilang kapatid na si Emil.

“Inadmit po namin na talaga napabayaan po namin at hindi namin napapaliguan kaya po humantong sa ganyang sitwasyon, Isa pa po salat rin po kami at wala po kaming kuryente, at walang tubig.” sabi ng kapatid ni Emil.

Agad naman nadismaya si Idol Raffy sa naging pahayag ni Jessie dahil hindi umano rason ang mga ito upang pabayaan ang kanilang kapatid.

Ganun pa man, Agad naman sinabi ni Idol Raffy na tutulungan niya si Emil na maibalik sa dati at tutulong rin siya sa pang medical ni Emil.

Panuorin ang video sa ibaba:

DISCOVERY NG KALAGAYAN NI EMIL

Eto po ang araw na na diskubre namin ang kalagayan ni emil.

Posted by Gino Angeles on Thursday, January 2, 2020

Recommended For You

About the Author: root