VIRAL: Isang rider ang hinabol ni Col. Bosita matapos nitong umarangkada ng mabilis matapos itong sitahin at pahintuin

Naging viral kamakailan lamang ang ginawang paghabol ni Col. Bosita sa isang pasaway na rider na pilit tumatakbo palayo sa nasabing awtoridad.

Makikita sa isang video clip na ibinahagi ni Col. Bonifacio Bosita sa kaniyang Facebook account na tila mayroon siyang hinahabol na isang pasaway na rider matapos nitong magpatuloy sa kaniyang pagmamaneho kahit na ito ay sinabihan ng huminto at tumabi upang makausap.

Makikita din sa video clip ang ginawang pagsita ni Col. Bosita sa nasabing rider. Nang ito ay tanuning ni Col. Bosita kung ito ay may lisensya, sinagot naman ng rider, na napag-alamang menor de edad pa lamang, na wala pa siyang lisensya at wala ding helmet na suot.

Maririnig din sa video clip na pinapababa ni Col. Bosita ang angkas ng 15 taong gulang na driver. Sinabi naman ni Col. Bosita na nais niyang makausap ang pamilya ng pasaway na driver, ngunit, napag alaman ni Col. Bosita na ang motor pala na ginagamit ng menor de edad na driver ay binili ng nanay ng kaniyang angkas.

Nagtanong din si Col. Bosita sa kung nasaan ang barangay ng lugar dahil nais niyang ireport ang batang driver dahil ilegal ang ginawa nitong pagmamaneho ng walang lisensya at walang helmet na suot pati na rin ang kaniyang kasama na maaaring maging sanhi ng pagdala ng kanilang buhay sa peligro.

Makalipas lamang ang ilang minuto ng naging pagsita ni Col. Bosita sa menor de edad na driver,  makikita na marami na ding mga tao ang pumupunta sa kanilang pwesto at sinabi nga ng isa dito na kaniyang tatawagin ang tatay ng bata. Dumating din naman kaagad ang tatay ng batang driver kung saan ito ay madaliang sinabihan ni Col. Bosita na ang anak nito ay nagmamaneho ng motor ng walang lisensya at hindi suot ang kaniyang helmet pati na rin ang angkas nito.

Sinabi din ni Col. Bosita na dapat ng huwag payagan ng tatay ng menor de edad na magmaneho pa ang bata kung ito ay walang lisensya at mas lalong walang suot na helmet dahil ito ay maaaring makadala sa peligro sa batang driver at sa angkas nito.

Narito ang kabuuang video:

Hinabol ni Col.bosita

COL. BOSITA NAKIPAGHABULAN SA PASAWAY NA RIDER | Isang rider ang hinabol ni col.bosita matapos nitong umarangkada ng mabilis matapos itong sitahin at pahintuin.Credits to Col. Bonifacio Bosita

Posted by Paolo Duterte Supporters on Tuesday, November 5, 2019

Recommended For You

About the Author: root