VIRAL: Jobert Sucaldito may ibinulgar tungkol sa sistema ng ABS-CBN: “It’s an open-secret sa loob ng network iyan . super-dirty ang ibang sistema sa loob!!!!”

Kamakailan lang ay naging viral sa social media ang tungkol sa uploaded video ng filipino singer at songwriter na si Daryl Ong.

Sa kanyang video, ibinahagi ni Ong ang nangyari umanong pagsisibak sa kanya ng ABS-CBN tv network dahil lamang sa kanilang usapan magkakaibigan.

Nag uusap umano silang tatlo ng mga pwedeng pasukin na mga negosyo katulad na lamang ng pag invest sa stock market.

Ang kwentuhan umano nila ay napunta sa usapin tungkol sa prangkisa ng ABS-CBN at ipinakita umano ni Drilon ang isang online petition at nagpahayag ito ng kanyang suporta sa ABS-CBN.

“Sabi ni Bugoy na 60 thousand na lang yung kulang para mabuo yung 1 million. Ako naman nakita ko rin yun, ang pagkakakita ko naman 60 thousang pa lang yung nagsasign.. May deadline po kasi yun… So sabi ko kay Bugs, wala na ‘yan malabo na ‘yan, hindi na yan aabot kasi 60 thousang pa lang at anong petsa na…” saad pa ni Daryl Ong.

“Tapos nagdagdag ako ng comment na sabi ko mahirap yan, naku malabo na yan mahirap yan, kalaban ba naman nila ang gobyerno, si Presidente ba naman ang kalaban, so malabo na yan,” dagdag pa nito.

Sa kasamaang palad umano ang usapin nilang magkakaibigan ay nairecord pala ng isang lalaki na kaiban ang mga big boss sa abs-cbn.

“Hindi po namin alam na ‘yung isang katabi namin sa table, ‘yung sinasabi ko na isang lalaki pa, akala ko kasi, kaibigan ‘yun nung babae na ka-kwentuhan namin na dating nagwo-work sa ABS… It turns out hindi niya pala kilala ‘yun,”

“So nire-record pala kami, ‘yung usapan namin, hindi namin alam,” saad pa nito.

Kaya naman hindi mapigilan mag komento ang isang batikang journalist at radio host na si Jobert Sucaldito tungkol sa nangyari.

Ayon pa sa kanya, kadalasan umano ay mababaw ang dahilan ng ABS-CBN sa pagtatanggal ng marami nilang trabahador.

Isa umanong halimbawa jan ay ang pagkakasibak kay Daryl Ong na kung saan nagkwekwentuhan lang sila ng kaniyang mga kaibigan.

May ibinulgar rin si Sucaldito tungkol sa kalakaran umano sa naturang TV Network lalo na kung gusto agad nito umangat sa career.

Basahin ang kanyang facebook post sa ibaba:

napanood ko ang video ni Daryl Ong regarding sa pagtanggal sa kaniya ng ABS-CBN na may tagline na “in the service of the Filipino” and refers to everyone who works there as Kapamilya and medyo nalungkot ako. naramdaman ko ang nangyari sa kaniya dahil ganoon din halos ang nangyari sa akin, kasama ang ilan pang mga nawala na sa tinatawag nating Kapamilya network. in fairness kay Daryl, he explained himself very vividly and decently pero dama mo ang pain sa kaniyang puso. but of course, this didn’t stop him from thanking everyone who, in one way or another, has helped him boost his career while he was still connected with them.

masyadong mababaw ang karamihan sa mga dahilan ng ABS-CBN sa pagtanggal ng marami nilang trabahador. imagine, yung isang simpleng kuwentuhan lang with friends (Bugoy and company) would lead sa pagkasibak nila sa network without even giving them the chance to air their side of the story. ganyan ka-feeling ang mga tao sa loob ng istasyon – mga diyos ang turing nila sa mga sarili nila – iyan ang mga anay sa loob. napakayayabang – napaka-walanghiya ng ilang mga boss diyan sa ABS-CBN. mga WALANG PUSO ang ilan diyan. kailangang himurin mo ang mga puwet nila para mapanatili ka sa loob lalo pa’t hindi ka nila kaalyado. nakakadiri ang ilang tao diyan sa loob. you should have seen how they throw their weights around. mapapapunyeta ka talaga. nakakagigil sila kung minsan. feeling kasi nila forever silang nasa itaas. puwes, magkasubukan tayo. pagbabayaran niyo lahat itong pang-aapi ninyo sa aming maliliit. daming sipsip kasi diyan – tulad na lang nung tinutukoy ni Daryl na nag-record ng conversation nila na nagsumbong sa mga boss ng ABS-CBN – I hope by the time na mabigyan ng prangkisa ang Dos ay gawin siya agad na Vice President. ang kapal, di ba? hindi man lang niya inalintana ang katayuan nina Daryl and Bugoy na kailangan din ng trabaho para ibuhay sa mga pamilya nila. mabait lang iyang istasyon na iyan sa mga sipsip sa kanila pero pag di ka nila feel, gagawa at gagawa ang mga iyan ng paraan para tsugiin ka. iyan ang tunay na essence ng KAPAMILYA. mga walang puso at walang budhi!!!!!

iyan ba ang pinaglalaban ninyong istasyon – ang masyadong marahas sa kanilang mga desisyon sa mga pobre? IN THE SERVICE OF THE FILIPINO? huwag niyo kaming ululin! isang malaking katarantaduhan ang tagline na iyan. sarap pangalanan ang mga naghahari-harian sa loob. sarap pagsasampalin. puwes, namnamin ninyo ang KARMA na kinakaharap at haharapin pa ninyo in the future. sabi nga nila “when you’re up there’s no way but down”. ang tayog kasi ng lipad ng mga nakaupo diyan – feeling forever sila sa power. ilan lang ba and malinis sa loob ng istasyon na iyan? pakikiapid kung kani-kanino. daming internal scandals kaya diyan. kaniya-kaniya silang diskarte. sabi sa inyo, may mafia sa loob ng istasyon na iyan eh. may iba kaming nakausap na mga male artists na sobra ang sama ng loob sa mga naging takbo ng career nila sa loob ng istasyon. may nagsasabing kaya di umuusad ang mga careers nila dahil hindi sila pumapayag na magpahawak sa malalagim na kamay ng ilang baklang malalakas sa loob. to get good breaks, yung iba ay napipilitang pumatol. huwag na tayong magmaang-maangan darlings. huwag kayong magmalinis dahil it’s an open-secret sa loob ng network iyan . super-dirty ang ibang sistema sa loob!!!!