VIRAL: Judge ng AGT na si Simon Cowell sinabotahe umano si Marcelito Pomoy

Usap usapan ngayon sa social media ang naging komento ng isa sa judge ng America’s Got Talent na si Simon Cowell kay Marcelito Pomoy sa AGT: The Champions Grand Finals.

Sa naging performance ni Pomoy, ikinanta nito ang Disney classic na ‘Beauty and the Beast’ ni Celine Dion at Peabo Bryson.

Standing ovation ang nakuha ni Marcelito Pomoy sa mga audience at pati narin sa mga huradong sina Heidi Klum, Alesha Dixon at Howie Mendel.

Ngunit hindi napatayo ni Marcelito Pomoy ang isang judge na si Simon Cowell sa kanyang naging performance. At tila hindi napabilib sa ginawang pagkanta ng Pinoy.

“If it was my choice on a night like this, I would have done something less predictable,” sabi ni Simon Cowell.

Hindi naman sumangayon ang isang hurado na si Alesha sa sinabi ni Simon at tinanong kung bakit nito sinabi na predictable ang kanta ni Pomoy.

“The song they’ve chosen they’re very safe, they’re very kind of, I get it they’re popular songs but I just think on tonight if he has done something out of his comfort zone, like a shock to everybody,” Paliwanag naman ni Simon sa kanyang naging komento.

Kaya naman agad na binalikan ng mga netizen ang video na inupload ni Marcelito na kung saan ang musical team umano mismo ni Simon ang namili ng kanta na kakantahin niya.

“Meron nang napiling kanta, guys. Pero sila ang pumili ng kanta, hindi ako. Kasi, kung naalala niyo yung mga comment ni Simon na ang kinakanta ko lagi ay mga pang-teatro, so gusto niya naman kakaiba..” sabi ni Marcelito sa video.

“Hopefully guys itong binigay nila sa aking kanta ay maikanta ko nang maayos, nang walang palya. Sana masuportahan niyo pa rin ako kahit na itong laban na ito ay pukpukan na…”

“Nagbigay sila ng kanta sa akin pero okay naman siya. Hindi naman siya ganon kataas… Wala na akong magagawa doon kasi yun ang napili niya eh… Atleast nasabi ko na sa inyo yung totoo. Kung ano yung pinaka-worst na mangyayari sa buhay ko ngayon… For me, hindi talaga siya pang-contest,” dagdag pa nito.

Kaya naman hindi mapigilan ng mga netizen na batikusin ang hurado na si Simon Cowell dahil umano sa pananabotahe nito sa pambato ng Pilipinas.