VIRAL: Lolo na araw-araw naglalakad papuntang makati, niregaluhan ng bisekleta ng may-ari ng shop

Naging viral sa social media ang isang lolo na 87-anyos na si Carlo Samonte matapos siyang regaluhan ng isang bisekleta na matagal niya ng inaasam-asam.

Sa kuwento ng isang netizen, tindero ng candy sa Nichols,Makati si Samonte at palagi umano ito hinihiritan ang may ari ng Carbs motorcycle sa Andrews Avenue na si Fe Carandang na kung maaari ay ibenta sa kanya ng mahigit P2,000 pesos ang bisekleta imbis na P4,800.

Araw-Araw umano na binabalikan ni Samonte ang tipo niyang MTB bicycle sa Carbs motorcycle at araw-araw rin siya humihingi ng tawad sa may-ari.

Ngunit nitong umaga ng (June 3) bago pa magtungo si Samonte sa Makati ay muli siyang dumaan sa Carbs motorcycle upang makiusap muli sa may ari na si Fe Carandang kung maaari siyang makatawad sa tipo niyang bisekleta.

Ngunit laking gulat ni Samonte ng ibigay sa kanya ng libre ang kanyang ina-asam-asam na bisikleta, na kung saan laking pasasalamat nito sa may ari dahil nakamit niya na ang kanyang pinapangarap na bisikleta.

“Ngayong umaga dumaan ulit sya para tanungin kung pwede po nya bilhin ung bike ng 2.000, ngayong araw na ito ndi po sya nabigo. nakuha nya po ung bike na gusto nya sa KAPALIT isang NGITI po lamang,” sabi pa ng facebook page ng Carbs motorcycle.

Kwento ni Carandang mahigit halos dalawang linggo umanong dumadaan si Samonte sa kanilang shop upang tanungin kung maaari niyang bilhin ang bisikleta sa murang halaga.

Kaya nung nakausap ni Carandang si Tatay Samonte hindi siya nag dalawang isip na ibigay na lamang at iregalo ang napupusang nitong bisikleta upang may magamit siya sa araw-araw.

Bakas sa muka ni Tatay Carlos Samonte ang labis niyang pasasalamat kay Carandang dahil naiuwi na rin niya ang kanyang matagal ng pinangarap na bisekleta.

CARBS

Paying it ForwardEto po si Tatay araw araw po sya dumadaan sa shop para magtanong kung meron ba bike na available mula pa May 15 hangang kahapon, 2 beses isang araw, isa sa umaga bago umalis at dadaan ulit sa hapon bago umuwi.Last week po naging available ang mini MTB sa shop at araw araw nya din po tinatanong kung pwede po ba nya bilhin ung bike sa halagang 2,000, kahapon ako po mismo ang napagtanungan nya. tinanong nya ako kung pwede nya bilhin ng 2,000 ung bike at ang sabi ko po ay hindi po kaya, nalaman ko po na araw araw po ayun ang tinatanong nya sa aming staff.ngayon umaga dumaan ulit sya para tanungin kung pwede po nya bilhin ung bike ng 2.000, ngayong araw na ito ndi po sya nabigo. nakuha nya po ung bike na gusto nya sa KAPALIT isang NGITI po lamang.Si Tatay daw po ay araw araw naglalakad papuntang Makati galing Nichols para magbenta ng kendi.Tatay. Ride Safe po…

Posted by CARBS Motor/Bicycle Parts on Tuesday, June 2, 2020