VIRAL: Netizen dismayado matapos siyang ticketan ng MMDA dahil sa paghahatid sa kanyang sister in law na nurse sa hospital

Viral sa social media ang isang facebook post ng isang lalaki matapos siyang ticketan ng MMDA dahil sa paghahatid niya sa kanyang sister in law na nurse sa isang hospital.

Sa facebook post ni Michael Villanueva, naglabas ito ng kanyang sama ng loob matapos siyang ticketan ng MMDA dahil sa paga-angkas niya sa kanyang sister in law.

Ipinaliwang nito na kaya niya nagawang i angkas ang kanyang sister in law ay dahil walang masakyan ang nurse papunta sa hospital na kanyang pinagta-trabahuan.

Humingi rin siya ng kaunting konsiderasyon sa MMDA enforcers ngunit hindi siya pinagbigyan kaya agad siya binigyan ng ticket na may multang limang libo.

Sinabihan rin ng MMDA Enforcers ang kanyang sister in law na bumaba nalang sa motorsiklo at tutulungan nalamang siya ng mga MMDA na makasakay papunta sa hospital.

Ngunit mahigit 30 minutes na ang lumipas ay wala parin dumaraan na sasakyan o shuttle service para sa mga frontliners para makasakay ang kanyang sister in law.

BASAHIN ang kanyang facebook post sa ibaba:

MMDA: Bawal ang angkas hindi kayo sumusunod sa Social distancing

Me: Pasensya na po sir from near Tungko Bulacan area wala pong dumadaang Shuttle service kung meron man bi2hira po at walang specific time para sa mga health workers kaya po nagagawa kong ihatid yung Sister in law ko sa Q.C hospital

MMDA: Akin na lisensya mo kaylangan ka nmen ticketan pwede mu to bayaran sa palawan or cebuana.

Me: Sir Pasensya na po Kht Konting consideration lng po sna gusto ko lng din tulungan yung hipag ko para maayos kopo syang maihatid sa hospital.

MMDA: Miss bumaba kana lng muna dyan isasakay kana lng namin sa Service

*after 30mins sa gitna ng init walang masakayan yung Hipag ko may dumaang bus na service pang frontliner pero hindi ito huminto nag decide po akong mag antay makasakay lng hipag ko pero hindi parin po sya nakasakay.

MMDA: Cge isakay muna lng muna sya tutal na ticketan kana namin.

*Ang Ending pinasakay din saken 😥with violation ticket and 5k na tubusin

– Pasensya na po kung wala akong ibang way para maka tulong sating Health worker pero sna This should be given an immediate attention lalu na po sa mga city mayor mabigyan nyu po sna sila ng exemptions or maayos na service na may sapat na oras karamihan po sa health workers natin hirap po pag papasok sa hospital Because all Health workers are not just going to work to earn money and to feed their family. But they come in to help us in terms of medical procedures, wherein we need more at this situation.