VIRAL: Netizen ibinahagi ang kanyang karanasan matapos siyang kontakin ng PDEA Regional Director dahil sa kanyang facebook post

Viral sa social media ang isang conversation mula sa isang netizen at PDEA Regional Director dahil sa naging facebook post ng isang netizen.

Halos hindi makapaniwala ang isang netizen na si Laurence Almayda matapos siyang e-message ng PDEA Regional Director na si Wilkins Villanueva.

Ayon sa deleted na facebook post ni Almayda sinabi nito na ang gagawin niya sa kanyang kaarawan ay gumamit ng pinagbabawal na gamot. Dahil dito, hindi nagdalawang isip si PDEA Director Villanueva na bigyan ng babala ang netizen.

“Sa Birthday ko, hindi alak titirahin natin kondi shab*,” saad ni Almayda sa kanyang facebook na na ngayon ay kanya ng binura.

Kaya na binalaan siya ng PDEA Director, hindi parin tumigil ang netizen at nagbiro pa ito na ang dr*ga umano ang kanyang sandalan sa tuwing may problema siyang kinakaharap.

Agad naman ito sinagot ni Villanueva at sinabing hindi siya magdadalawang isip na hanapin ang tirahan ni Almayda upang turuan ito ng leksyon.

Inutusan rin ni Villanueva si Almayda na mag public apology dahil sa kanyang sinabi sa facebook, upang hindi siya tularan ng mga iba pang tao.

Pinaalalahan rin ni Villanueva si Almayda na huwag gawing biro ang tungkol sa paggamit ng ipinagbabawal na gamot dahil marami na ang sinira nito na pamilya.

Sinabi ni Almayda na ang nangyaring ito sa kanyang buhay ay maituturing niya isa sa pinaka nakakatakot na nangyari sa kanyang buhay.

Agad naman tinanggap ni Villanueva ang paghingi ng tawad ni Almayda at pinaalalahan niya nalang na huwag nalang uulitin ang ganung biro at manatili sa kanilang bahay lalo na sa banta ng COVID-19 sa bansa.