VIRAL: PBA Player minaliit ang pabuyang 10M ni Pangulong Duterte: “10M wont even buy you a house!”

Matatandaan na inanunsyo ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagbibigay niya ng P10million sa kung sino man ang makakagawa ng bakuna laban sa kumakalat na sakit COVID-19.

“Dahil public enemy number one nga itong COVID-19 hindi lang dito sa Pilipinas kundi sa buong mundo, inanunsyo ng Pangulo na siya ay magbibigay ng pabuya na hanggang ₱10 milyon sa kahit sinong Pilipino na makakadiskubre ng vaccine laban sa COVID-19” sabi ni presidential spokesperson Harry Roque.

Sa kasalukuyang ito, paunahan parin ang buong mundo sa paghahanap at paggagawa ng bakuna upang labanan ang coronavirus na kumakalat sa mundo.

Maraming bansa at mga tao na rin ang naapektuhan sa naturang sakit dahil hanggang sa ngayon ay wala pa itong bakuna, kaya naman naisipan ito ng Pangulo na magbibigay siya ng pabuya para hikayatin ang mga scientist sa bansa na gumawa ng bakuna.

Dahil dito, naging viral sa social media ang naging twitter post ng isang PBA Player na tila minamaliit nito ang halangang P10M na pabuya ng Pangulo.

Ayon sa basketbolistang si Nico Salva, ang P10M na pabuya umano ni Pangulong Duterte sa makakagawa ng bakuna laban sa COVID-19 ay hindi makakabili ng bahay.

“Gov giving 10M to whoever finds covid vaccine. 10M??? For a vaccine that will cure thousands of people and put an end to all these?!! 10M wont even buy you a house!!” saad ng PBA player.

Kaya naman agad na rumesbak ang Presidential Communications Operations Office Undersecretary na si Mon Cualoping sa naging pahayag ng PBA player.

“This Nico Salva was an Ateneo Blue Eagle who gave the Ateneo de Manila a 5peat in the UAAP.

But c’mon, tngn* naman! Nakakagag0 itong tweet niya.

Such an elitist for saying PHP 10 Million isn’t enough for a house. Tell that to the millions of OFWs, to the millions of hardworking Filipinos like me!!! You dumb ass!

Just proves not all Ateneans are smart yet are so proud p*ssyfooting in their glasshouses. Typical woke!

Magsama sila ng epal na si Kiko Pangilinan!” pahayag ni Cualoping.