VIRAL!: Pinky Amador nagwala sa isang hotel, galit na pinagmumura at pinag sisigawan ang mga staff!

Viral sa social media ang isang kilalang aktres na si Pinky Amador matapos nitong pagmumurahin ang isang hotel staff.

Sa video na inupload ng facebook page na Endless Line, makikita ang aktres na galit na galit at pinagmumura ang isang staff ng hotel.

Hindi pa malinaw sa video kung bakit galit na galit ang aktres at bakit niya pinagmumura ang hotel staff.

Ngunit ayon sa mga komento ng mga netizen, ang dahilan umano ng ikinagagalit ng aktres ay dahil hindi umano siya sinabihan ng hotel staff na may mga PUM sa hotel na iyon.

Kaya umano nagalit ang aktres dahil hindi man lang siya sinabihan ng hotel na mayroon palang mga nag-iistay na mga PUM sa hotel.

Maraming netizen ang nagpahayag ng kanilang komento tungkol sa viral video, ayon pa sa ilang netizen, may karapatan umano ang aktres na magalit at magpanic dahil buhay umano ang nakataya dito at kahit anong oras ay pwede siyang hawaan ng sakit.

“Pinky have the right to fell upset . kahit saan nu tingnan ang prob yung hotel . Pabya management nu . They dont care kayo sa mga customer nu .. virus yan nkkamaty hello .. mag mora mn ng mag mora yung Tao . Entendehen nu sobrang galit nia lng buhay nia nkasasaly e . Kong senu mn mangyari yan ka kalma ba kayo?” ayon pa sa isang netizen na nakapanuod sa video.

“Medyo exags lng pero as a guest sa isang hotel na ganyan me rights naman sya saka pag galit tlaga at nagpapanic ang tao napapamura tlaga…feel sorry to the front desk lady ganun tlaga may pandemic eh accept the mistake nlng un nga lng iaccept mo din even the bad words coming from her mouth…” saad pa ng isang netizen.

Ayon pa sa ilang netizen, kasalanan umano ng hotel staff dahil hindi umano nila ininform ang aktres o ang kanilang mga guest na may nahalong PUM na naninirahan sa kanilang hotel.

Isa lamang umano itong reaction mula sa isang tao na nag iingat at pinapangalagaan ang kanilang sarili dahil ayaw nilang mahawa sa kumakalat na sakit sa bansa.

Pinky Amador nagwala sa isang hotel, galit na pinagmumura at pinag sisigawan ang mga staff!

Pinky Amador nagwala sa isang hotel, galit na pinagmumura at pinag sisigawan ang mga staff!

Posted by Endless Line on Saturday, June 6, 2020