VIRAL: Sharon Cuneta may mensahe sa mga supporters ng Pangulong tungkol sa pagsasara ng ABS-CBN

VIRAL: Sharon Cuneta may mensahe sa mga supporters ng Pangulong tungkol sa pagsasara ng ABS-CBN

Kamakailan lang ay naging lamang ng social media ang tungkol sa pagsasara ng isa sa pinakamalaking tv network sa bansa na ang ABS-CBN.

Ito’y kasunod na rin ng pagbibigay ng cease-and-desist order ng National Telecommunications Commission o (NTC) na naglalayon na ipatigil ang pag-ere ng naturang estasyon.

Dahil dito, maraming artista ang nagpahayag ng kanilang suporta sa naturang estasyon at naglabas ng kanilang sama ng loob lalo na sa mga tao na nasa likod umano ng nangyaring ito.

Iginiit pa ng mga artista ng naturang estasyon na hindi na umano naawa ang nagpasara ng kanilang network kahit na maraming tao ang maaapektuhan at mawawalan ng trabaho.

May iilang taga suporta ng naturang estasyon ang bumatikos kay Solicitor General Jose Calida at pati na rin kay Pangulong Rodrigo Duterte dahil sila umano ang may pakana ng nangyaring ito.

Kaya naman hindi mapigilan ng mga taga suporta ng Pangulo na rumesbak sa mga bumabatikos sa Pangulo at sinabing malinaw na may nilabag ang ABS-CBN na batas kaya ito napasara.

Dahil sisihang nagaganap, nilinaw ng aktres at singer na si Sharon Cuneta na hindi ang Pangulo ang kanilang binabatikos kundi ipinaglalaban lamang umano nila ang karapatan ng ABS-CBN.

“Mga kaibigan at Kapamilya, gusto lang po namin linawin na we at ABS-CBN are not fighting the President. We are fighting to withdraw the Cease and Desist order issued by the NTC. Galing din po sa Boss namin yan. Para lang po malinaw. Salamat po,” saad pa ni Mega Star Sharon Cuneta sa kanyang Instagram post.

Kamakailan ay naging viral rin sa social media ang tungkol sa mga naging pahayag ng dating manggagawa ng ABS–CBN na kung saan ibinahagi nila ang kanilang karanasan nung sila ay nagtatrabaho pa sa naturang estasyon.