VIRAL: Sinon Loresca sinupalpal ang mga kritiko ng gobyerno: “Hindi ito ang panahon na puro kayo pabida!”

Viral ngæyon sa social media ang naging pahayag ni Sinon Loresca o mas kilala bilang ‘King of the catwalk’ tungkol sa mga kritiko na panay ang pambabatikos sa gobyerno.

Sa kanyang recorded video, sinabi ni Loresca sa mga kritiko at oposisyon ng pamahalaang Duterte na hindi ito ang panahon upang batikusin ang gobyerno.

Ayon pa sa kanya, imbis na puro reklamo at pangbabatikos ang ginagawa ng mga kritiko ay dapat mag isip nalang kung paano nila matutulungan ang gobyerno.

Nakakadismaya rin umano ang ilang mga Pilipino na wala ng ginawa kundi ang mag reklamo sa gobyerno at lahat ng sasabihing mabuti ng gobyerno ay hinahanapan lang nila ng butas para lang may maibato at siraan ang gobyerno.

Sinabi rin nito na kahit anong gawin ng gobyerno na tulungan ang mga nangangailangan kung mayroon paring mga kritiko na walang tigil sa pangbabatikos ay wala parin mangyayari.

Ayon pa sa kanya, sa panahon na ito lalo na sa kinakaharap ng bansa, ay dapat magtulungan at tulungan ang gobyerno lalo na ang Presidente dahil hindi ito makakaya ng gobyerno kung wala ang suporta ng mga Pilipino.

Katulad na lamang ng ibang bansa na kung saan tuwing mag tetelevised address umano ang mga lider ng kanilang bansa ay sinusuportahan ito ng mga tao.

Nakakalungkot pa umano ang nangyayari sa bansa ngæyon dahil tuwing may iaanunsyo ang Pangulo ay wala ng ginawa ang mga kritiko kundi mag tweet sa kanilang mga social media para batikusin lahat ng sinabi ng Pangulo.

Sinabi pa nito na kung tutuusin lahat naman umano ng Pilipino ay apektado ng lockdown na ipinatupad ng gobyerno. Kaya dapat mas maigi umanong tulungan nalang ang gobyerno upang mas mapadali at maibalik na sa normal ang bansa.

Hindi lang rin umano sa bansa ang may ipinatupad na lockdown kundi sa buong mundo dahil lahat naman ng bansa ay naapektuhan ng coronavirus disease na ito o mas kilala sa COVID-19.

Ayon pa sa kanya, Kung tutuusin napakagaling umano na presidente ni Pangulong Duterte, ngeunit mali lang umano ang bansa na kanyang pinamunuan dahil ang iba sa mga pilipino ay puro nalang pabida.

Para sa inyo mga bogo @risahontiveros@frankiepangilinanChel Dioknobusngi@abscbn@agotisidro@og sa tanan bogo. Maypa ning bayota ni kasabot pa hahaha

Posted by Aquarius Jay on Saturday, April 4, 2020