VIRAL: Yorme Isko matapang na sumugod sa Caloocan City para sampolan ang mga lumabag na Brgy. Chairman

Kamakailan lang ay naging viral sa social media ang nangyaring sabong sa Manila North Cemetery na kung saan marami umanong lumabag sa ipinatupad na quarantine para lang makapunta sa sabungan.

Kaya naman agad na sinugod ng alkalde ng Maynila ang Barangæy 129 Caloocan City kahapon Sabado ng hapon, upang hanapin ang mga di umanoy may pakana sa naturang sabong.

Sa viral video, makikita na ipinaghahanap ni Mayor Isko Moreno ang Barangæy captain na si Brix John Rolly Reyes at ang mga barangæy kagawad nito na sina Alfie Lacson, Romualdo Reyes, at John Cris Domingo.

Ang mga Barangæy officials na ito ay di umano ang may pakana sa tupada pagtataya sa sabong na nangyari nitong sabado.

Dahil umano sa nangyaring ito, maraming tao ang nagsipuntahan sa naturang tupada at kung saan nilabag nila ang ipinatupad na Enchanced Community Quarantine as Mass gathering.

Agad na hinikayat ni Isko Moreno ang mga kapitbahay at mga residente ng naturang Barangæy na agad ipaalam sa pamahalaan ng lungsod ng Maynila kung may alam sila kung saan ngæyon ang mga Barangæy officials.

“Gusto ko lang malaman ninyo na binibigyan namin kayo ng pagkakataong magpaliwanag sa pamahalaang lungsod ng Maynila. Aaraw-arawin namin kayo dito. Sa mga magkakapatid-bahay, ang inyong chairman na si Brix John Rolly Reyes, hinahanap ng pamahalaang lungsod ng Maynila. Sila ang mga bida sa sabong sa North Cemetery na pag-aari ng pamahalaang lungsod ng Maynila. Ito po ang alkalde ng lungsod ng Maynila na nakikiusap sa inyo kung meron kayong impormasyon sa inyong chairman. Kung kamag-anak niyo si chairman, sabihan niyo silang kusang-loob na magpaliwanag sa pamahalaang lungsod ng Maynila. Ito ang alkalde ng lungsod ng Maynila, pumapasyal sa inyo.” saad pa ng alkalde ng Maynila.

Nadismaya rin si Mayor Isko Moreno sa ginawa ng mga Barangæy officials at kung saan tinawag nito ang mga barangæy officials na “hangal” at “walanghiya”.

“Buong kababaang-loob, isuko niyo na si Chairman, si Kagawad… lahat kayo. Binibigyan ko kayo ng pagkakataon, kami’y nananawagan at nakikisuyo sa inyo. Huwag na tayong magkahiyaan pa. Mga halal kayo ng bayan, pasimuno kayo sa sugal, wala kayong patawad. Kahit Semana Santa, Biyernes Santo, aaraw-arawin namin kayo dito hangga’t hindi kayo nagpapaliwanag sa pamahalaan ng lungsod ng Maynila. Mga halal kayo ng bayan, mukha kayong hangal. Huwag na kayong magtago sa Pangasinan. Hindi namin kayo titigilan.” dagdag pa nito.

Binibigyan naman ni Isko Moreno ang mga barangæy officials ng 48-hours upang magpaliwanag kung bakit nila ginawa ito.

Yorme Goes To Caloocan

BREAKING: Yorme isko sumugod na sa caloocan para pasukuin ang mga kagawad na pasimuno ng tupada sa sementeryo sa maynila.Credits to Official Isko Moreno Domagoso

Posted by Paolo Duterte Supporters on Saturday, April 11, 2020