“Wag kayo matakot” Sen. Koko Pimentel binanatan ang mga bumabatikos sa kanya

Kamakailan lamang ay naging viral sa social media ang ginawang paglabag ni Senador Koko Pimentel sa pagiging Person Under Investigation (PUI).

Binatikos ang mambabatas dahil sa pagpasok nito sa ospital ng Makati Medical Center upang samahan ang kanyang asawang manganganak kahit na siya ay PUI sa coronavirus (COVID-19).

Kahapon lamang ay naglabas ng pahayag ang senador tungkol sa pagiging isa sa nagpositibo sa COVID-19, ayon sa kanya hindi naman daw siya umubo kaya wala umanong dahilan ang mga tao upang matakot sa kanya.

“Una sa lahat, yung home quarantine ko is the general quarantine nating lahat. Kung non-essential movement, huwag na tayong gagalaw. E wala naman akong positive test noon at manganganak ang misis ko,Sino ang sasama sa manganganak na misis kundi si mister?” pahayag ng senador.

“Una sa lahat, hindi naman ako umuubo so hindi ako nakakalat ng droplets. Wala ako ubo so ‘wag masyado matakot,”

“Understand ko ‘yong natatakot pero ‘wag masyadong mag-discriminate kasi ngayon ko nararamdaman ‘yong discrimination actually,” dagdag pa nito.

Humihingi rin ang mambabatas ng pag-unawa dahil sa kanyang naging aksyon, excited lamang umano siyang makita ang kanyang anak.

“Humihingi na lang po siguro ako ng understanding. Siyempre kahit sino namang tao, ama ay magiging excited. Hindi ko naman po alam,” saad pa ng senador.

“Nag-disinfect naman ang ospital so tama naman po ‘yong ginawa nila,” Pimentel said. “Umalis agad ako sa ospital, that is my duty.” dagdag pa nito.

Kahapon rin ay nag salita na ang ospital dahil sa paglabag ng senador at sa pagpasok nito sa naturang ospital kahit na ito ay PUI.

“Last night [24 March 2020], the strict infection and containment protocols of the Makati Medical Center Delivery Room Complex [MMC-DR] were breached by a Senator of the Republic of the Philippines.”

“Senator Aquilino Martin D. Pimentel III, whose result for COVID-19 testing turned out to be positive, brought his wife to the hospital for delivery via cesarean section. By being in MMC, Senator Pimentel violated his Home Quarantine Protocol, entered the premises of the MMC-DR, thus, unduly exposed healthcare workers to possible infection.”

“As a result, a number of our nurses and doctors may need to be quarantined which will further deplete the dwinling workforce of the hospital. The entire Delivery Room Complex will have to undergo decontamination and disinfection before it can be used.” dagdag pa ng ospital sa kanilang naging pahayag.

Source: GMA News